Month: Hunyo 2021

Tagu-taguan

Noong bata pa ako ay naglalaro kami ng aking pinsan ng tagu-taguan. Magtatago ako sa isang lugar at hahanapin niya ako. Kapag malapit na niya akong mahanap ay bumibilis talaga ang tibok ng puso ko. Madalas din nating laruin ito noong mga bata pa tayo. Pero kung ikukumpara natin sa ating buhay, kapag nakita tayo ng ibang tao na may ginagawa…

Huwag Mainggit

Sikat ang pintor na si Edgar Degas sa mga ipininta niyang larawan ng mga ballerina. Hindi alam ng marami na minsan siyang nagsabi na naiinggit siya sa kapwa pintor niyang si Edouard Manet. Ayon kay Degas, mas mahusay magpinta sa kanya si Manet dahil laging perpekto ang pagkakapinta nito ng mga larawan.

Isa ang pagkainggit sa hindi magagandang katangian na sinabi…

Kasama sa Pagsubok

Nasunugan ng bahay ang kasama namin sa aming simbahan. Namatay ang kanyang asawa, nanay at dalawang anak. Silang dalawa lamang ng anak niyang lalaki ang nakaligtas sa sunog. Patuloy tayong nakaririnig ng mga ganitong nakakalungkot na balita. Kaya naman minsan naitatanong natin: Bakit may masasamang nangyayari sa mga mabubuting tao? Hanggang ngayon, hindi pa rin natin lubos na maunawaan ang sagot…

Sa ating Kahinaan

Nadiskubre ang gamot na penicillin nang magkaroon ng malubhang sakit si Anne Sheafe Miller noong 1942. Nagkaroon siya ng impeksyon sa dugo matapos siyang makunan sa kanyang ipinagbubuntis. Walang gamot ang makapagpagaling sa kanya. Pero mabuti na lamang at may isang pasyente sa ospital ang may kakilalang isang siyentipiko na nag-aaral tungkol sa bagong gamot. Napagaling nga si Anne ng gamot na…

Iligtas ang Kontrabida

Sikat na sikat ang mga kuwento tungkol sa superheroes. Noong taong 2017 lamang, anim na pelikula tungkol sa superhero ang kumita ng malaki sa takilya. Pero bakit kaya nahuhumaling ang mga tao sa mga kuwento ng superhero?

Siguro, dahil may pagkakatulad ang mga kuwentong ito sa kuwento ng pagliligtas ng Dios. Sa kuwento kasi ng mga superhero laging may isang tagapagligtas,…