Month: Hulyo 2021

Ipakita ang Pagmamahal

Nang malaman ko na may kanser ang aking kapatid, sinabi ko sa mga kaibigan ko na, “Hangga’t maaari, maglalaan ako nang mas mahabang oras para sa ate ko simula ngayon.” May ilang nagsabi na tila labis ang reaksyon ko pero pumanaw agad ang kapatid ko sa loob lamang ng sampung buwan. Bagama’t naglaan ako ng maraming oras para makasama siya, hindi…

Ipamuhay Natin

Ang pastor at manunulat na si Eugene Peterson ay nagkaroon ng pagkakataong makinig sa pagtuturo ng tanyag at respetadong doktor at tagapagpayo na si Paul Tournier. Nabasa ni Peterson ang mga isinulat ng doktor at humahanga rin siya sa paraan ng panggagamot nito. Maganda ang naging impluwensiya ni Tournier kay Peterson. Sa kanyang pakikinig kay Tournier, naniniwala siya na ipinamumuhay nito…

Patungkol sa Kanya

Binuklat ko ang Bibliang pambata ng aking apo at binasa ko ito sa kanya. Namangha kami dahil makikita sa bawat bahagi ng libro ang tungkol sa pag-ibig ng Dios at ang pagkakaloob Niya ng ating mga pangangailangan. Tinupi ko muna ang pahina na binabasa namin at muling tiningnan ang pamagat ng libro: The Jesus Storybook Bible: Every Story Whispers His Name.…

Maging Tapat

Hindi maganda ang simula ng araw ng aking apo. Hindi niya mahanap ang paborito niyang damit at ang sapatos naman na gusto niyang suotin ay napakainit. Nainis siya at ibinaling ang kanyang galit sa akin na kanyang lola. Umupo siya at saka umiyak.

Tinanong ko siya kung bakit siya naiinis at nag-usap kami sandali. Nang tumahan na siya, nagtanong ulit ako…

Kapayapaang Mula sa Dios

Tinanong ako noon ng kaibigan ko habang kami ay kumakain. “Ano para sa iyo ang kapayapaan?” Sumagot naman ako, “Kapayapaan? Hindi ako sigurado. Bakit mo naitanong?” Sinabi naman niya, “Nakita kasi kita na paulitulit na ginagalaw ang mga paa mo habang nakikinig sa pagsamba. Naisip ko na parang balisa ka. Naaalala mo ba ang kapayapaang ipinagkaloob ng Dios sa mga minamahal…