Pagkakaisa
Noong 1722, isang maliit na grupo ng mga mananampalatayang Moravian ang naninirahan sa lugar na ngayon ay tinatawag ng Czech Republic. Noong sila’y inuusig dahil sa kanilang pananam-palataya kay Cristo, nagsilbi nilang kanlungan ang lupain ng isang mabait na kondesang Aleman. Sa loob ng apat na taon, tatlong daang tao ang nanirahan doon. Subalit sa halip na isang maayos na komunidad…
Kahit anong Kapalit
Sa pelikulang Paul, Apostle of Christ, makatotohanang naisalarawan ang pinagdaanang pag-uusig ng mga unang mananampalataya kay Cristo. Ipinakita dito ang naging paghihirap ng mga unang mananampalataya at kung gaano kapanganib ang pagsunod kay Jesus.
Ang makilalang tagasunod ni Cristo ay hindi biro. At maging sa panahon natin ngayon, marami pa ring lugar kung saan nakakaranas ng matinding pag-uusig ang mga mananampalataya.…
Anuman ang Gagawin
Inamin ni C.S. Lewis sa kanyang librong Surprised by Joy na noong siya ay sumampalataya kay Cristo sa edad na tatlumpu’t tatlo, ginawa niya ang lahat ng paraan para makatakas o makaalis dito. Pero sa kabila ng karanasang ito, patuloy siyang binago ng Dios at naging matapang na tagapagtanggol ng tunay na pananampalataya. Ipinahayag ni Lewis ang katotohanan at ang pagmamahal…
Pagsupil sa Dila
Ikinuwento ng manunulat na si Beryl Markham sa kanyang libro na West with the Night kung papaanong ilang ulit niyang sinubukang paamuin ang kabayong si Camciscan. At kahit ano pa ang kanyang ginawa para mapaamo ito, isang beses lang siyang nagtagumpay.
Ilan naman sa atin ang nahihirapang paamuin ang ating dila? Ikinumpara ni Santiago ang dila sa bokado sa bibig ng…
Higit pa sa Dati
Napakaganda ng Notre Dame Cathedral sa Paris. Kamangha-mangha ang pagkakadisenyo rito. Pero sa paglipas ng ilang siglo, unti-unti nang nawala ang ganda nito dahil sa naluma na ito at dahil na rin sa naidulot ng sunog sa simbahang ito. Mahigit sa bilyong dolyar ang samasamang nilikom ng mga tao para sa pagpapaayos nito. Kahit malaking halaga ang gugugulin at marami ang…