Month: Setyembre 2021

Hindi Matatakot

Noong 1957, isa si Melba Patillo Beals sa siyam na napiling estudyanteng African American na pinayagang makapasok sa paaralang inilaan lamang para sa mga puting Amerikano. Sa kanyang talambuhay na inilathala noong 2018 na pinamagatang, I Will Not Fear; My Story of a Lifetime of Building Faith under Fire, inilahad niya kung paanong sa murang edad ay natutunan niyang harapin nang…

Alam na ang Mananalo

Mahilig manood ng basketball ang aking boss. Nang manalo ang paborito niyang koponan bilang champion, binati siya sa text ng aming katrabaho. Dahil hindi napanood ng boss ko ang larong iyon, medyo nainis siya. Nawala ang pananabik niya sa panonood ng replay ng larong iyon dahil alam na niya kung sino ang mananalo. Gayon pa man, nawala naman ang kaba…

Asul na Guhit

Sa larong skiing, malaki ang naitutulong ng mga asul na guhit na nakapinta sa mga daan kung saan sila magkakarera. Hindi biro ang magpadausdos sa snow at ang mga asul na guhit ang nagsisilbing gabay ng mga kasali sa karera kung saan sila dapat dumaan. Nakakatulong din ang mga ito upang maiwasan ang disgrasya.

Sa Kawikaan 4, mababasa natin ang pagsusumamo…

Pagsalungat

Si Flannery O’ Connor ay isang mahusay na manunulat. Napanood ko minsan ang kanyang video noong anim na taong gulang pa lang siya. Ipinakita roon na tinuturuan niyang maglakad nang pabaliktad ang isang manok sa kanilang bukid. Tila inilalarawan ng eksenang ito ang istilo ng pagsulat ni O’Connor. Sa loob ng tatlumpu’t siyam na taon, inilaan niya ang kanyang panahon sa…

Ipadama ang Pag-ibig

Habang nakaupo at nagpapahinga si Shirley, natanaw niya mula sa bintana ang matandang mag-asawa na nahihirapang mag-ayos ng bakod. Tinutulungan ni Shirley at ng kanyang asawa ang kapitbahay nilang Vietnamese. Nang matapos na ang kanilang ginagawa, tinanong ng matandang babae kung puwede niyang maging kaibigan si Shirley at pumayag naman ito. Kalaunan, nalaman ni Shirley na kakaunting Ingles lamang ang…