Month: Mayo 2022

Matuto Sa Mga Bata

Naantig ang aming mga puso nang minsang magpunta kami ng aking kaibigan sa isang mahirap na lugar sa Nairobi, Kenya. Kaawa-awa ang kalagayan nila roon. Gayon pa man, nakaramdam kami ng sigla nang makita namin ang mga bata na punong-puno ng tuwa habang tinatawag ang kanilang mchungaji o pastor. Malugod na sinalubong ng mga musmos na iyon ang kanilang pastor…

Walang Hanggang Pag-ibig

Ilang taon na ang nakakalipas, binigyan ako ng 4 na taong gulang kong anak ng puso na gawa sa kahoy. Nakasulat sa gitna nito ang salitang ‘forever’. Sinabi sa akin ng anak ko, “Mommy, forever ko po kayong mamahalin.” Nagpasalamat ako at niyakap ko siya. Sinabi ko sa kanya, “Labis din kitang minamahal, anak.”

Patuloy pa rin na nagsisilbing paalala…

Pagdududa at Pananampalataya

Akala ni Ming Teck na simpleng sakit lang ng ulo ang nararamdaman niya. Pero pagbangon niya sa kama, bumagsak siya sa sahig at dinala sa ospital. Ayon sa kanyang doktor, na-istroke siya. Pagkatapos ng apat na buwang pagpapagaling, nakakaramdam pa rin siya ng kirot. Madalas mang nawawalan ng pag-asa, nagpapasigla ng kanyang kalooban ang pagbabasa ng Aklat ng Job.

Nawala…

Nakakamanghang Kakayahan

Namamangha ako sa kakayahan ng aming lider. Tumutugtog kasi siya ng piano habang pinamumunuan kami sa aming pag-awit. Minsan, nang matapos ang aming pagtatanghal nakita ko siya na parang pagod na pagod. Kaya, tinanong ko siya kung ok lang siya. Sumagot naman siya, “Hindi ko pa nagawa iyon dati.” Tapos nagpaliwanag siya na nawala pala sa tono ang piano na…

Namamagitan

Minsan, pumasok kami ng aking pamilya sa isang kainan. Habang inihahain ng crew ang aming pagkain, tinanong ng asawa ko kung ano ang pangalan nito. Pagkatapos, sinabi ng aking asawa, “Nananalangin kaming pamilya bago kumain, may gusto ka bang ipanalangin namin para sa’yo?” Napatingin sa amin si Allen na may halong pagkagulat at pagkabalisa. Matapos ng ilang sandaling pananahimik, sinabi…