Month: Setyembre 2022

Hindi Totoong Balita

Matapos maitalagang ministro ng Holy Trinity Church sa Cambridge, England si Charles Simeon (1759-1836), maraming taon siyang nakaranas ng oposisyon. Ang pangalawang ministro kasi ang nais ng karamihan na maitalaga sa halip na si Charles. Nagpakalat din sila ng mga hindi totoong balita laban sa kanya. Pero dahil nais ni Charles na maging puspos ng Banal na Espiritu, hindi niya…

Tumingin Sa Dios

Sinabi ng manunulat na si Mark Twain na makakaapekto sa hinaharap natin kung paano tayo tumitingin sa buhay sa kasalukuyan. Sinabi pa niya, “Hindi tayo maaring magtiwala sa mga nakikita ng mata natin kung sa maling bagay nakatuon ang ating imahinasyon o paningin.”

Nabanggit din naman sa Biblia ang tungkol sa paningin nang kausapin ni Pedro ang isang pulubing lumpo.…

Pagmamahal Sa Iba

May hindi pangkaraniwang kondisyon si Sarah sa kanyang mga kasu-kasuan kaya kailangan niya ng wheelchair. Minsan, papunta sa istasyon ng tren si Sarah sakay ng kanyang wheelchair upang dumalo sa isang pagpupulong. Sa kasamaang palad, sira na naman ang elevator at wala ring rampa para makaakyat siya. Sinabihan siya na mag taxi na lang para makarating sa susunod na istasyon na apatnapung minuto…

Huwag Magpalinlang

Maganda ang hitsura ng lanternfly pero mapanlinlang ang taglay nitong ganda. Itinuturing na peste ang mga lanternfly sa hilagang Amerika dahil namiminsala ang mga ito ng kapaligiran at mga pananim. Kinakain nito ang kahit anong punongkahoy tulad ng puno ng seresa at iba pang punong nagbubunga. Nag-iiwan din ng madikit na bagay ang mga lanternfly na nagiging amag sa mga punongkahoy na kinakain…

Pagpapakumbaba

Nang matapos ang American Revolution, maraming mga politiko at lider ng militar ang nagnanais na maging bagong pinuno si Heneral George Washington. Iniisip ng mga tao kung patuloy niya pa ring paiiralin ang mga pinaninindigan niyang prinsipyo tungkol sa kalayaan kung sakaling nasa kanya na ang lahat ng kapangyarihan.

Para naman kay Haring George III ng Inglatera, maituturing na pinakadakilang…