Month: Oktubre 2022

Kailangan Ng Karunungan

Nawawala ang dalawang taong gulang na si Kenneth kaya sobrang nag-alala ang kanyang mga magulang. Mabuti na lang at may nakakita sa kanya sa parke malapit sa kanilang bahay. Nangako pala ang nanay niya na pupunta sila sa parkeng iyon kasama ang kanyang lolo. Kaya naman umalis siya sakay ng kanyang laruang kotse-kotsehan at pumunta doon.

Alam ni Kenneth kung…

Pakikipaglaban Sa Dragon

Nasubukan mo na bang makipaglaban sa isang dragon? Ayon sa manunulat na si Eugene Peterson, bawat isa sa atin ay nakipaglaban na sa dragon. Para sa kanya kasi ang mga dragon ay ang mga bagay na kinatatakutan natin o ang mga mabibigat na pagsubok sa ating buhay.

Totoo nga naman na ang ating buhay ay punong-puno ng pakikipaglaban sa mga…

Pagtugon Sa Kritisismo

Isang mahusay na manunulat ang aking kaibigan. May isinulat siyang bagong libro at maraming magagandang puna ang natanggap niya mula rito. Nakakuha pa siya ng gantimpala sa pagsulat nito. Pero may isang sikat na magasin ang nagbigay ng hindi magandang pagpuna sa kanyang isinulat na libro. Tinanong kami ng aking kaibigan kung paano siya tutugon sa ganoong uri ng kritisismo.…

Gaya Ng Isang Puno

Isang misyonero at magsasaka si Tony Rinaudo. Tatlumpung taon na siyang naglilingkod kay Jesus sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga tao sa Africa na pangalagaan ang mga gubat at magtanim ng mga puno.

Tinulungan ni Tony ang mga magsasaka kung paano magiging sagana muli ang kanilang lupang sakahan sa pamamagitan ng muling pangangalaga ng mga kagubatan. Nakatulong din ito upang…

Mahalaga Ba Tayo?

May isang binata akong pinapadalhan ng liham sa loob ng ilang buwan. Nagdududa kasi siya sa kanyang pananampalataya sa Dios. Minsan, tinanong niya ako kung mahalaga ba tayo sa Dios dahil maliit lang naman ang naibabahagi natin sa mundong ito.

Kung si Moises na isang propeta sa Biblia ang kanyang tatanunganin, siguradong sasang-ayon si Moises na mabilis lamang ang buhay…