Nasubukan mo na bang makipaglaban sa isang dragon? Ayon sa manunulat na si Eugene Peterson, bawat isa sa atin ay nakipaglaban na sa dragon. Para sa kanya kasi ang mga dragon ay ang mga bagay na kinatatakutan natin o ang mga mabibigat na pagsubok sa ating buhay.

Totoo nga naman na ang ating buhay ay punong-puno ng pakikipaglaban sa mga dragon. Gaya na lamang ng ating pagharap sa pagsubok ng matinding karamdaman, pagkawala ng trabaho o problema sa pamilya. Ang mga ito ay ang mga labanan na hindi natin kayang mag-isa.

Pero sa kabila ng mga labanang ito sa ating buhay ay mayroon tayong Kampeon. Siya ay si Jesus. Siya ang dakilang Kampeon na lumalaban sa ating mga pagsubok at mga kahinaan. Mas higit na dakila si Jesus kaysa sa ating mga pagkabigo at maging kay Satanas kaya’t nasabi ni Apostol Pablo na, “Sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, nilupig [ni Jesus] ang pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan” (Colosas 2:15 MBB). Si Satanas at ang mga problema natin ay walang kalaban-laban kay Jesus.

Kapag naranasan natin na napakabigat ng mga pagsubok na pinagdaraanan natin, doon tayong matututong umasa sa pagtulong ni Jesus. Masasabi rin naman natin na, “Magpasalamat tayo sa Dios, sapagkat tayo’y binibigyan Niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (1 Corinto 15:57 MBB).