Month: Agosto 2023

Ibahagi Mo

Isang sikat na tagapagturo ng Biblia si Dwight Moody. Nang magtiwala siya kay Cristo, nangako siya sa kanyang sarili na hindi niya palalagpasin ang bawat araw na hindi niya ibinabahagi si Cristo sa iba. Sa mga araw na abala siya, gabi na niya naaalala ang pangako niyang ito.

Isang gabi, nang matutulog na siya, bigla niya itong naalala. Bumangon siya…

Biyaya at Habag

Minsan habang nagmamaneho ako, hindi ko inaasahan na may makikita akong isang sunflower sa gilid ng kalsada. Nagtaka ako kung paanong mag-isang tumubo ang sunflower na ito na walang kasamang ibang bulaklak. Tanging ang Dios lamang ang makakapagpatubo nito.

Tulad ng bulaklak na hindi ko inaasahang makita sa daan. Mababasa rin natin sa Lumang Tipan ng Biblia ang tungkol sa hindi rin…

Kapangyarihan Ng Ebanghelyo

Noong unang panahon naniniwala ang ilan sa mga taga-Roma sa mga dios-diosan. Kinikilala naman nila na pinakamataas na dios si Zeus. Ayon sa isang manunulat na si Virgil, nag-utos si Zeus na magkaroon ang Roma ng isang kaharian na walang katapusan. Pinili rin daw ng mga dios si Augustus bilang dakilang tagapagligtas ng mundo.

Ang mga ganitong paniniwala ang ipinatupad…

Magandang Katapusan

Naghahanap ng pelikulang mapapanuod sa telebisyon ang aking asawa at anak. Pero malapit ng matapos ang mga pelikulang nakikita nila. Kahit na patapos na ang mga pelikula, masaya pa rin nila itong pinapanuod. Naghanap pa sila ng ibang pelikula at walong pelikula pa ang nahanap nila na halos patapos na rin. Tinanong ko sila, “Bakit ayaw ninyo na lang pumili…

Ang Dakilang Manggagamot

Minsan, natuklasan ng isang doktor ang lunas sa allergy sa pagkain ng aking kamag-anak, tuwang-tuwa ako at palagi ko itong ikinukuwento sa iba. Puring-puri ko ang doktor na iyon at ang proseso ng kanyang paggagamot. Pero may ilan akong kaibigan na nagsabi na, “Sa tingin namin, ang Dios ang dapat papurihan sa pagkakadiskubre ng gamot na iyon.” Natigilan ako. Hindi ko…