Month: Oktubre 2023

Namumuhay Nang Maayos

May isang organisasyon sa South Korea na nagbibigay ng libreng burol para sa mga buhay. Simula noong 2012, mahigit 25,000 katao, kabataan hanggang sa retirado na, ang lumahok na rito para mas mapabuti ang pamumuhay nila sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kamatayan.

Sabi ng pamunuan, “Para bigyan ang mga lumalahok ng makatotohanang pananaw sa kanilang buhay, tulungan maging mapagpasalamat, at…

Mga Plano Ng Dios Para Sa’yo

Anim na taong sinubukan ni Agnes na maging huwarang asawa ng pastor tulad ng biyenan niyang babae. Naisip ni Agnes na ’di niya puwedeng isabay ang pagiging manunulat at pintor sa pagiging asawa ng pastor. Isinantabi niya ang pagkamalikhain, pero nakaramdam siya ng malalim na lungkot – nadepres at kinalaunan, nagtangkang magpakamatay.

Ang pastor na kapitbahay nila ang tumulong para…

Gabay Sa Buhay Ng Nagsisimula

Ninais kong sumulat ng ‘blog’ (sa internet) matapos ang biglaang pagkamatay ni inay. Nais ko kasing hikayatin ang mga tao na gamitin ang bawat minuto nila sa mundo para gumawa ng makabuluhang ambag.

Naghanap ako ng gabay sa mga baguhan sa pagsulat ng blog. Nalaman ko paano sumulat ng makabuluhang ‘blog,’ paano pumili ng titulo, at kung anong ‘platforms’ ang gagamitin kung saan…

Mga Salitang Hindi Kumukupas

Sa unang bahagi ng ikalabingsiyam na daantaon, may sinulat na kuwento si Thomas Carlyle na ’di pa nailalathala. Ibinigay niya ito kay John Stuart Mill para ipasuri. Sa kasamaang palad, napasama ito sa mga bagay na sinusunog. Kaisa-isang kopya pa naman ito. Pero ’di natinag sa hangarin si Carlyle. Muli niyang sinulat ang mga pahinang nawala. Mula sa isang matinding…

Ang Pinakamagaling Na Guro

“Hindi ko maintindihan!” Sabay ang himutok ng anak ko sa pagbalibag niya ng lapis sa mesa. Ginagawa niya ang pagsasanay sa math. Ako naman kakasimula lang bilang guro sa “homeschool” (pag-aaral sa sariling tahanan kaysa sa paaralan). ’Di ko na matandaan paano isalin ang decimal (0.5) sa fraction (½). 35 taon na’ng nakalipas nang inaral ko ito. Paano ko ituturo ang bagay na…