Hayaang Manatili
Minsan, naglalakad ang batang si Zander at ang kanyang nanay papunta sa kanilang sasakyan. Pero, biglang tumakbo pabalik si Zander sa pinanggalingan nilang simbahan. Pilit hinihila ng nanay ang kamay ng bata ngunit mahigpit itong nakakapit sa pintuan ng simbahan. Hanggang sa binuhat na ang bata at tuluyan na itong umiyak nang malakas sa bisig ng kanyang nanay.
Likas sa…
Makapangyarihan Ang Dios
Noong 2020, pumutok ang Sangay, isang bulkan sa Ecuador. Binalot ng usok at abo ang halos 4 na probinsya sa lugar na iyon. Itim ang langit dahil sa usok kaya nahihirapang huminga ang mga tao. Sinabi ng isang magsasaka “Nakita na lang namin ang langit na sobrang dilim kaya natakot kami”.
Nakaranas din ng matinding takot ang mga Israelita nang balutin…
Hindi Masusukat
Isang pastor ang tatay ni Pris, naikuwento niya ang pagpunta nila sa Indonesia para mamuno ang kanyang tatay na ipahayag ang salita ng Dios. Nanirahan sila sa isang bahay na dati ay pinaglalagakan ng mga hayop. Naalala ni Pris na minsan, ipinagdiriwang nila ang pasko habang may tumutulong tubig na galing sa ulan sa kanilang bubong. Ipinaalala ng tatay ni…
Kahanga-hangang Dios
Minsan, napagdesisyunan namin ng asawa ko na maglakad sa aming lugar, hanggang sa hindi namin namalayan, umabot na kami sa Grand River. Isang lugar iyon kung saan ang ilog ay napapalibutan ng mga puno. Natuwa kami sa nakita naming mga pagong na lumalangoy. Matagal na kasi kaming hindi nakakakita ng ilog, mga hayop at mga puno. Dahil doon, muli namin…
May Pag-asa
Noong 1941, unti-unting sinakop ng mga taga-Germany ang mga bansa sa Europa. Dahil doon, nakaisip ang manunulat na si John Steinberg na sumulat ng isang libro. The Moon Is Down ang pamagat nito, ginawan ito ng maraming kopya at ipinamigay sa mga taong nakakaranas ng paniniil bunga ng pananakop ng mga taga-Germany.
Ayon sa libro, may isang lugar na kinubkob ng…