Napapanahong Desisyon
Nagtagal ng ilang taon ang samaan ng loob nina Simon at Geoffrey. Ilang beses sinubukan ni Simon na makipag-ayos, pero hindi iyon tinanggap. Nang mabalitaan niya ang tungkol sa pagkamatay ng nanay ni Geoffrey, nagbiyahe si Simon papuntang Kenya para makiramay.
Naalala ni Simon ang pagkikita nila: “Wala akong inaasahan, pero pagkatapos ng lamay, nag-usap kami nang masinsinan at naging…
Anak Ng Kapaskuhan
Pag-isipan mo ito: Iyong nagpatubo ng puno mula sa buto, nagsimula ng buhay bilang isang embryo; Iyong lumikha ng mga bituin, nagpasakop sa isang sinapupunan; Iyong pumupuno sa langit, naging tuldok lang sa ultrasound. Si Jesus na likas na Dios, ibinaba ang sarili (Filipos 2:6-7). Kahanga-hanga!
Pag-isipan mo ang eksena noong pinanganak Siya sa isang payak na bayan, kasama ng…
Ang Prinsipe Ng Kapayapaan
Noong maging pneumonia ang sipon ni John, naospital siya. Sa parehong oras, ginagamot ang nanay niyang may kanser ilang palapag mula sa kinaroroonan niya, at nilamon na siya alalahanin tungkol sa kanilang dalawa.
Tapos noong bisperas ng Pasko, nang ipatugtog sa radyo ang “O Holy Night,” napuno si John ng kapayapaan ng Dios. Pinakinggan niya ang mga sinabi tungkol sa gabi ng…
Paano Nila Malalaman
Ang “The Gathering” na nasa bandang norte ng Thailand ay isang interdenominational at international na simbahan. Nitong nakaraan, nagsama-sama sa isang simpleng kuwarto ang mga nananampalataya kay Jesus mula sa Korea, Ghana, Pakistan, China, Bangladesh, Amerika, Pilipinas, at iba pang bansa. Kumanta sila ng “In Christ Alone” at “I Am a Child of God” na ang madamdaming liriko ay tamang-tama sa lugar.
Walang iba na…
Kasama Sa Espiritu
Sa pagkalat ng coronavirus sa buong mundo, pinayuhan tayo ng mga eksperto na maglayu-layo para mapabagal ang pagkalat ng virus. Maraming kailangang mag-self-quarantine o kaya manatili lang sa isang lugar. May mga napilitang magtrabaho na lang sa bahay, habang iyong iba, nawalan na talaga ng trabaho. Gaya ng iba, nakisali rin ako sa mga meeting sa simbahan gamit ang mga digital na paraan. Buong…