Binibenta Ng Bunga
Nag-isip ng mga paraan ang may-ari ng taniman para maghanda sa pagbebenta ng mga puno ng peach. Ihihilera ba nang maganda ang maliliit na puno na nakalagay sa sako o gagawa ng makulay na katalogo ng mga puno ng peach sa iba’t ibang panahon ng paglaki?
Sa wakas naisip niya kung ano ang makabebenta sa puno ng peach: ang bunga –…
Sumigla Sa Bahay Ni Simon
Hindi ko malilimutan ang pagpasyal ko sa bahay ni Simon. Sa ilalim ng mabituing langit sa Nyahururu, Kenya, pumunta kami sa bahay niya para sa hapunan. Patunay ng hirap ng buhay ang sahig nilang hindi sementado at ilaw na mula sa lampara. Hindi ko na maalala ano ang kinain namin pero hindi ko malimutan ang saya ni Simon na nang…
Pagkain Mula Sa Langit
Agosto 2020, nagulat ang mga taga Olten, Switzerland nang umulan ng tsokolate! Nasira ang makina para sa pagpapaikot ng hangin ng pagawaan ng tsokolate kaya napasama sa hanging palabas ng pagawaan ang malilit na parte ng tsokolate. Dahil diyan, nag-alikabok ng tsokolate sa mga kotse at daanan at nangamoy na parang tindahan ng tsokolate ang buong bayan.
Kapag naiisip ko…
Manabik Sa Kanya
Bakit kaya kapag sinabing, “Ito na’ng huling chichiryang kakainin ko,” pagkalipas ng limang minuto naghahanap na ulit tayo? Sinagot ‘yan ni Michael Moss sa aklat niyang Asin Asukal Taba. Inilarawan niyang alam ng mga malalaking kumpanyang gumagawa ng chichirya sa Amerika kung paano “tulungan” ang mga tao na manabik sa chichirya. At may isang sikat na kumpanya raw na gumastos…
‘Di-karaniwang Katapangan
Noong 1478, may nagtangka sa buhay ng pinuno ng Florence, Italy, na si Lorenzo de Medici. Naghiganti ang mga nasasakupan niya at nagkaroon ng giyera. Sa paglala ng sitwasyon, naging kalaban ni Lorenzo ang malupit na Haring Ferrante I ng Naples. Pero dahil sa isang matapang na kilos ni Lorenzo, nagbago ang lahat. Bumisita siya, mag-isa at walang armas, sa…