Month: Mayo 2024

Batid Niya

Malapit nang magsimulang magtrabaho si Lea bilang nurse sa Taiwan. Mas matutustusan na niya ang pangangailangan ng pamilya, kaysa kung sa Maynila na mas limitado ang trabaho at kita. Noong huling gabi bago tumungo sa Taiwan, nagbilin siya sa kapatid na mag-aalaga sa anak niyang limang taong gulang. “Iinumin niya ang bitamina kung bibigyan mo rin siya ng isang kutsara…

Ama Namin

Tuwing umaga, dinadalangin ko ang Ama Namin. Hindi ako kapakipakinabang sa bagong araw hanggat hindi ko naitatapak ang mga paa ko ng mga salita ng panalanging ‘yan. Kamakailan, dalawang salita – “Ama namin” – pa lang ang nasasabi ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagulat ako kasi 5:43 pa lang nang umaga. Pagtingin ko sa cellphone, nakita ko “Tatay”…

Puso Na Nais Maglingkod

May paglilingkod sa Carlsbad, New Mexico, na naghahandog buwan-buwan ng higit 10,000 kilo ng libreng pagkain sa komunidad. Sabi ng lider ng paglilingkod, “Puwedeng pumunta ang mga tao dito. Tatanggapin namin sila. Nais naming matugunan ang pangangailang pisikal para magbigay daan sa pangangailangan ng kanilang espiritu.

Bilang nagtitiwala kay Cristo, nais ng Dios na gamitin natin kung ano ang mayroon…

Sabik Sa Tahanan

Nasabik magkaroon ng pamilya ang ulilang si Anne, ang bida sa kuwentong Anne of Green Gables. Nawalan na siya ng pag-asa pero, isang araw, nalaman niyang kukupkupin siya nina Mang Mateo, isang matandang lalaki, at kapatid nitong babae na si Aling Marilla. Habang sakay ng kalesa pauwi sa bagong tahanan, masayang nagkukuwento si Anne. Kinalaunan, humingi siya ng paumanhin dahil…

Nagkaroon Ng Liwanag

Sa mga pinakaunang araw ng anak namin, madalas kong sabihin sa kanya ang pangalan ng mga bagay. Ituturo ko ang bagay at sasabihin ko ang pangalan, o ipapahawak ko sa kanya ang isang bagay na ‘di pa pangkaraniwan sa kanya at sasabihin ko ang pangalan para madagdagan ang pang-unawa niya at mga alam na salita tungkol sa malawak na mundong…