Month: Hunyo 2024

Panahong Madilim, Dasal Malalim

“Nakaranas ako ng madilim na panahon,” sabi ng sikat na artistang babae tungkol sa pandemya ng COVID-19. Nahirapan siya sa bagong normal at inamin niyang sumagi sa isip niya ang magpakamatay. Para malampasan ito, binahagi niya ang pinagdadaanan sa kaibigang nagmamalasakit.

Lahat tayo puwedeng makaranas ng madilim na panahon, mahaba man o maiksi. Minsan hindi ito madaling malagpasan at kailangan ang…

Ang Mensahe Ng Krus

Sabi ni Zhang, lumaki siyang “walang Dios, walang relihiyon, wala.” Noong 1989, dahil nais nila ng demokrasya at kalayaan sa bansa, tumulong siyang pamunuan ang mga mag-aaral para sa mapayapang protesta. Pero pagsupil ang naging tugon ng pamahalaan at maraming nasawi. Si Zhang ikinulong. Nang makalabas, nagtungo siya sa isang malayong nayon at doon nakilala niya ang matandang magsasakang nagpakilala…

Marahas Na Hakbang

Taon na sa dingding ng bahay namin sa Michigan ang palamuting busog at talanga na lagayan ng palaso. Nakuha ito ng tatay ko noong naglilingkod bilang misyonero sa Ghana. Minana ko ito sa kanya. Minsan bumisita ang kaibigang kong taga Ghana at nagulat siya sa nakitang maliit na nakatali sa busog. “Anting-anting iyan. Alam ko walang bisa pero ‘di ko…

Nagtagpo Ang Kulang at Sagana

Dahil hindi masiguro gaano karami ang kailangan, madalas maghanda ng sobrang pagkain ang kantina sa paaralan at tinatapon na lang nila ang matitirang pagkain. Pero maraming mag-aaral ang walang sapat na pagkain sa bahay. Para malutas ang problema, nakipagtulungan ang isang distrito ng paaralan sa Amerika sa isang organisasyong tumutulong sa mga maralita. Ibinalot nila ang sobrang pagkain at ipinauwi…

Lumalaban Ang Dios Para Sa’tin

Pinatunayan ng isang ina sa Colorado sa Amerika na gagawin niya ang lahat para proteksyunan ang anak. Naglalaro sa labas ng bahay ang anak na limang taong gulang nang bigla itong sumigaw. Agad lumabas ang ina at nakita ang nakakatakot na tagpo: may leong-bundok na nakadagan sa anak niya, at nasa bibig nito ang ulo ng bata. Lakas loob na…