Month: Nobyembre 2024

Pamana Ng Pagkakaibigan

Noong dekada sitenta, guro ako ng wikang Ingles at coach ng koponan ng basketbol sa hayskul nang nakilala ko ang payat at matangkad na mag-aaral sa unang baytang sa hayskul namin. Naging estudyante ko siya at naging kasapi rin siya ng koponan. Iyon ang simula ng pagkakaibigan namin. Kinalaunan nakatulong ko siya bilang kapwa patnugot. Sa pagdiriwang ng pagreretiro ko, tumayo…

Matalino O Mangmang?

Noong sampung taong gulang ako, nag-uwi ako ng cassette tape na may kanta ng isang bandang Cristiano mula sa kaibigan ko sa grupo ng kabataan sa simbahan. Hindi ito nagustuhan ng tatay kong lumaki sa tahanang Hindu ang paniniwala pero tinanggap na niya ang kaligtasan mula kay Jesus. Mga nakasanayang awit ng papuri sa Dios lang ang gusto niyang pinapatugtog sa…

Pagmamahal Sa Kapwa

Sa panahon ng pag-iisa at paghihigpit dahil sa pandemya ng coronavirus, naging makatotohanan ang salita ni Martin Luther King Jr. sa “Sulat Mula sa Kulungan sa Birmingham.“ Tungkol sa kawalan ng hustisya, sinulat niyang ‘di niya kayang umupo sa isang lungsod na walang pakialam sa nangyayari sa ibang lungsod. “Hindi natin matatakasang sanga-sanga ang mga buhay natin” at “pinagtagni-tagni ang…

Ipinagpapasalamat Ang Lunes

Dati ‘di ko kinagigiliwan ang Lunes. Minsan pa nga, pagbaba mula sa tren papunta sa dati kong trabaho, uupo muna ako sa istasyon nang ilang minuto para ‘di agad ako makarating sa opisina. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa pag-aalalang baka hindi ko matapos ang mga kailangang gawin sa takdang araw at sa pabago-bagong timpla ng ugali ng amo…

Pag-asa Mula Sa Gehenna

Noong 1979 may nahukay ang arkeologong si Gabriel Barkay– dalawang maliit na pilak na balumbon. Taon ang binilang para dahan-dahang buksan ang mga balumbong gawa sa metal. Doon nakita nilang nakaukit ang salitang Hebreo ng pagpapala ng Mga Bilang 6:24-26, “Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh; kahabagan ka nawa at subaybayan ni Yahweh; lingapin ka nawa at bigyan ng…