Month: Setyembre 2025

KATUPARAN NG PANGAKO

Noong bata ako, nagbabakasyon ako sa lolo at lola ko tuwing tag-init. Nitong tumanda na ako, nakita ko kung paano nakatulong sa akin ang mga panahong iyon. Dahil sa yaman ng karanasan nila at sa haba ng paglakad nila kasama ang Dios, naitanim nila sa mura kong isipan ang mga karunungang natutunan nila. Isa na rito ang katapatan ng Dios.…

PAGTANGGAP NG PAGTATAMA

Tinuruan ng kaibigan kong si Michelle ang anak ko kung paano mangabayo. Nang ipakita niya paano rendahan ang kabayo, ipinaliwanag din niya gaano kahalaga ang renda. Ginagamit daw ito para kontrolin ang bilis at direksyon ng kabayo. Doon ko nakita kung gaano kaimportante ang renda kahit maliit lang ito.

Gayundin naman ang dila. Bagama’t maliit ito, malaki ang impluwensiya ng…

DIOS NG MGA SORPRESA

Natatandaan ko pa ang panalangin ng pagtatalagang ginawa namin. Libu-libong estudyante kami noon sa isang convention center. Nang patayuin ang mga handang mag- misyon sa ibang bansa, naramdaman kong tumayo ang kaibigan kong si Lynette. Pero hindi ako tumayo. Hindi ko kasi nadamang tinatawag ako ng Dios sa ganoong misyon. Hayag kasi sa akin ang kalagayan ng bansa ko, at…

PAGPAPALA SA KAPWA

Ilang buwan matapos makunan si Valerie, nagdesisyon siyang ibenta ang mga gamit na para sana sa sanggol niya. Binili naman ng kapitbahay niyang si Gerald ang crib. Pero nang malaman ni Gerald mula sa asawa niya ang kuwento ni Valerie, naisip niyang gawing regalo para kay Valerie ang nabiling crib. Dahil karpintero si Gerald, gumawa siya ng magandang bangko mula…

HINDI AKO KILALA, IKAW BA?

"Hindi ako kilala, ikaw ba?" Ganyan ang simula ng tula ni Emily Dickinson. Nilalabanan ng tula niya ang pagsusumikap ng tao para maging kilala. Ipinapakita rin nito ang saya at kalayaang dulot ng pagiging simple at ordinaryo. Maaaring sabihing nauunawaan ni Apostol Pablo ang pagtalikod sa kasikatan. Marami kasi siyang maipagmamalaki “kung ang pagsunod sa mga seremonya ang pag-uusapan” (FILIPOS…