Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

DAPAT MALINAW ANG MGA MATA

Ipinanganak na may kakaibang kondisyon sa mata ang sanggol na si Leo. Kaya hindi pa niya nakikita ang kanyang mga magulang. Laging maulap ang paningin ni Leo. Dahil dito, binigyan ng doktor ng espesyal na salamin sa mata si Leo. Kinuhanan ng video ng ama ni Leo ang pagsusuot niya ng bagong salamin sa mata. Napanood namin ang pag-focus ng mga mata…

HUMINGI NG TULONG SA KANYA

Nag-aalala ako. Nagkaroon kasi kami ng hindi pagkakaunawaan ng aking kaibigan. Hindi ko man gustong gawin, alam kong dapat ko siyang tawagan upang humingi ng tawad. Alam ko ring hindi ako naging mabait o nagpakumbaba man lang noong huling nag-usap kami.

Habang hinihintay ang pagsagot sa aking tawag, naisip ko, paano kung hindi niya ako patawarin? Paano kung ayaw na…

ANG MABUTING PASTOL

Nang marinig ni Pastor Warren na isang miyembro ng kanilang simbahan ang umiwan sa kanyang pamilya, hiniling niya sa Dios na mabigyan siya ng pagkakataong makita at makausap ito. Pinakinggan naman ng Dios ang panalangin niya. Nakita niya ang lalaki nang pumasok siya sa isang kainan. Nakapag-usap sila at nanalangin nang magkasama.

Tila naging isang pastol ng kanyang nasasakupan si…

MAG-ISA

Noong Hulyo 20, 1969, lumabas sina Neil Armstrong at Buzz Aldrin sa Apollo 11. Sila ang mga unang taong lumakad sa ibabaw ng buwan. Ngunit hindi natin masyadong pinag-uusapan ang tungkol sa ikatlong kasama nila na si Michael Collins, ang nagmaneho ng sinakyan nila na Apollo 11.

Nang bumaba ang mga kasama ni Collins, naiwan siyang mag-isa sa may dulong…

HINDI KO LUBOS MAISIP

Naupo ako sa upuan ng simbahan sa likod ng isang babae habang tumutugtog ang kantang “I Can Only Imagine.” Itinaas ko ang aking kamay habang umaawit ng papuri sa Dios. Narinig ko rin ang magandang boses ng babae na sumasabay sa kanta. Pagkatapos ng simba, nakapag-usap kami ni Louise, ang babaeng nasa aking unahan. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa…

ANO ANG PANGALAN MO?

Nag-asawang muli si Jen. Ngunit hindi siya tanggap ng mga anak ng bagong asawa niya. Nang mamatay ito, mas lalong nagalit sa kanya ang mga bata dahil sa bahay at perang iniwan ng asawa para sa kanya. Kaya naman, pinanghinaan ng loob si Jen at naging bitter (puno ng hinanakit) din siya.
Ganito rin naman ang nangyari kay Naomi nang bumalik…

MAGING ANG MGA DAYUHAN

Nanibago ang isang pamilya sa bagong bansang kanilang nilipatan. Napakarami kasing pagkakaiba—bagong wika, paaralan, kaugalian, at klima. Napaisip sila kung paano sila masasanay sa mga pagbabagong ito. Nasagot ito nang tulungan sila ni Patti. Dinala niya ang mag-asawa sa palengke at tinuruan kung paano mamili rito. Sa kanilang pag-iikot, nakita ng mag-asawa ang paborito nilang prutas, ang pomegranate o granada. Bumili…

MAPALAD ANG NAGHIHINAGPIS

Nakatanggap ako ng email mula sa isang binatang anak ng isang kakilala ko sa linya ng aking trabaho. Ipinaliwanag ng binata sa akin na nasa ospital ang kanyang ama at malala na ang lagay nito. Kaya naman gustong mapasaya ng binata ang kanyang ama. Humingi siya sa akin ng pabor na magpadala raw ako ng video na nagpapalakas ng loob at panalangin…

MAGING KATULAD MO, GURO

Napanood ko ang video ng tatlong taong gulang na bata na ginagaya ang ginagawa ng kanyang guro sa karate. Makikitang napakalaki ng tiwala ng bata sa kanyang guro. Dahil dito, nagawa ng bata ang lahat ng sinabi at pinagawa ng kanyang guro, at talaga namang ginalingan niya.

Dahil dito naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus, “Walang mag-aaral na mas higit…

TAGAPAGBIGAY NG PAGPAPALA

Noong Enero 15, 1919 sa bansang Amerika, isang malaking tangke na puno ng molasses o pulot ang sumabog. Isang labindalawang talampakan na alon ng mahigit dalawang milyong galon ng molasses ang rumagasa sa kalye. Naanod nito ang mga tren, gusali, tao, at mga hayop. Maaaring magmukhang hindi nakasasama ang molasses dahil matamis at masarap ito. Pero sa araw na iyon, 21 tao ang…