Kalye ng Taong Banal
Minsan, naglakad-lakad kami ng asawa ko sa isang kalye sa London. May nagkuwento sa amin na ang kalyeng iyon ay tinatawag na "Kalye ng Taong Banal." Nakatira raw kasi doon ang isang tao na namumuhay nang may kabanalan. Naalala ko tuloy ang isang pangyayari na binanggit sa Lumang Tipan ng Biblia.
Inutusan noon si Saul na isang Israelita na hanapin…
Hindi Nagbabago
Minsan, nabasa ko ang isinulat ng kaibigan ko na nakaraos sa mga pinagdaanan niyang pagsubok. Sinabi niya, “Napakaraming nagbago at nakakatakot ang mga pagbabago. Walang nananatili, lahat nagbabago." Totoo naman iyon. Sa loob nga lang ng dalawang taon, marami na ang mangyayaring pagbabago. May pagbabago sa trabaho, may bagong kaibigan, may magkakasakit at may mamamatay. Mabuti man o masama, maaaring mangyari…
Dios-diosan
Hinihintay naming mabautismuhan si Kossi na taga Africa. Nagtitiwala siya at ang kanyang pamilya kay Jesus. Habang naghihintay, nakita naming kinuha ni Kossi ang isang lumang rebulto na gawa sa kahoy. Matagal na nilang sinasamba ang rebultong iyon. Pero inihagis niya ito sa apoy at pinagmasdan habang natutupok ng apoy. Hindi na nila kailangan pang mag-alay muli ng mga manok na…
Ang huling Salita
Si Dawson Trotman ay isang lider ng kapulungan ng mga sumasampalataya kay Jesus. Binigyan-diin niya ang kahalagahan ng Salita ng Dios sa buhay ng mga mananampalataya. Sinasanay daw ni Dawson na ang huling mga salitang maiisip niya bago matulog ay ang Salita ng Dios. Nagkakabisado at pinagbubulayan niya ang mga talata sa Biblia. Nananalangin din siya na maisabuhay niya nawa ang…
Pusong May Malasakit
Minsan, pumunta kami ng pamilya ko sa isang lugar na may mga nagtatanghal. Nais namin na magkakatabi kaming lahat sa upuan. Kaya nang may makita kaming libreng upuan para sa aming lahat, agad kaming pumunta. Pero nang papunta na kami, may isang babae na nagmamadali at inunahan kami sa upuan. Sinabi ng asawa ko sa babae na gusto naming magkakatabi sana…