Mabilis lumipas ang oras kapag masaya tayo sa ating ginagawa. Walang basehan ang pananaw na ito pero mapapatunayan ito sa mga karanasan natin.

Subukan mong gawin ang trabahong gustong gusto mo o kaya nama'y makipagkuwentuhan sa iyong kaibigan. Mapapansin na lang natin na mabilis lumilipas ang oras.

Dahil dito, nagbago ang pag-unawa ko sa sinabi sa Pahayag 4. Iniisip ko dati na napaka-boring ng ginagawa ng apat na nilalang na nakapalibot sa trono ng Dios. Paulit-ulit lang kasi sila sa kanilang mga sinasabi.

Pero, hindi ko na iniisip iyan ngayon. Iniisip ko na kung ano ang nakikita ng apat na nilalang na nakaparaming mata (TAL. 8). Iniisip ko rin ang mga makikita kung nasaan ang apat na nilalang (TAL. 6). Iniisip ko kung gaano sila namamangha sa dakila at mapagmahal na Dios. At naisip ko kung ako ang nandoon sa lugar nila, wala akong iba pang masasabi kundi, “Banal, Banal, Banal ang Panginoong Dios.”

Boring bang sabihin ang mga salitang iyon nang paulitulit? Siyempre hindi, lalo na kung kasama mo ang Dios na iyong minamahal lalo na kung nilikha ka para gawin ang bagay na iyon.

Tulad ng apat na nilalang, nilikha rin tayo ng Dios upang luwalhatiin Siya. Kaya naman, hinding-hindi magiging boring ang buhay natin kung nakatuon sa Dios ang ating pamumuhay at kumikilos tayo nang ayon sa Kanyang layunin.