Salamin
Dumalo ako noon sa isang seminar sa bansang Uganda. Minsan, paglabas ko sa tinutuluyan kong hotel, natawa sa hitsura ko ang taong susundo sa akin. Nakalimutan ko palang magsuklay. Hindi ko iyon napansin kahit nagsalamin na ako.
Tumitingin tayo sa salamin para makita kung may kailangan tayong ayusin sa ating sarili tulad ng magulong buhok. Ganitong halimbawa ang ginamit ni Santiago…
Papuring Awit
Minsang namasyal ako sa isang simbahan sa Israel, lubos akong namangha sa mga nakita kong mosaic. Nakasulat sa mga iyon ang masayang tugon ni Maria nang ibinalita sa kanya na siya ang magiging ina ng Tagapagligtas. Mula iyon sa Lucas 1:46-55.
Ito ang ilan sa nakasulat, “Buong puso kong pinupuri ang Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu sa Dios na aking…
Awitin
Noong 1936, naging sikat ang awiting ‘The Glory of Love’ na isinulat ni Billy Hill. Tungkol ito sa kasiyahang dulot ng pagsisilbi sa kapwa kahit sa simpleng paraan bilang pagpapakita ng pagmamahal. Pagkaraan ng 50 taon, sumulat naman ang kompositor na si Peter Cetera ng awitin na may pamagat din na ‘The Glory of Love’. Tungkol naman ito sa dalawang tao…
Pag-asa
Ilang taon na ang nakakaraan, pinangalanan namin ang aming Christmas tree na ‘Pag-asang Magkaanak.’ Matagal na kasi naming sinusubukang mag-ampon. Noong paskong iyon, umasa kami na magkakaroon na kami ng aampunin.
Tuwing umaga, nananalangin kami sa lugar kung nasaan ang Christmas tree. Ipinapaalala namin sa aming sarili na tapat ang Dios. Pero hindi sinagot ng Dios ang aming panalangin. Naitanong ko…
Hindi Sikreto
Sinabi sa akin ng katrabaho ko na pinipilit niyang maging mabuti pero hindi niya talaga kaya. Iniisip niya na hindi nalulugod si Jesus sa Kanya. Ang mga bagay raw na dapat niyang gawin ay hindi niya nagagawa at ang mga bagay naman na hindi niya dapat ginagawa ay patuloy niya pa ring nagagawa. Tinanong niya ako, “Ano ang sikreto mo?” Ang…