Sinabi sa akin ng katrabaho ko na pinipilit niyang maging mabuti pero hindi niya talaga kaya. Iniisip niya na hindi nalulugod si Jesus sa Kanya. Ang mga bagay raw na dapat niyang gawin ay hindi niya nagagawa at ang mga bagay naman na hindi niya dapat ginagawa ay patuloy niya pa ring nagagawa. Tinanong niya ako, “Ano ang sikreto mo?” Ang sabi ko naman, “Wala akong sikreto. Tulad mo, hindi ko rin kayang abutin ang pamantayan ng Dios. Kaya kailangan talaga natin si Jesus.”

Ipinakita ko sa kanya na parang ganoon din ang sinabi ni apostol Pablo sa Roma 7:15. Ang pagkadismaya ni Pablo sa kanyang sarili ay nangyayari din sa mga nagtitiwala kay Jesus maging sa mga hindi pa nagtitiwala.

Pinipilit nilang maging mabuti sa sarili nilang pagsisikap pero lagi namang nabibigo. Kung ginagawa ninyo iyon, dapat ninyong malaman na hindi natin kayang iligtas ang ating sarili sa pamamagitan ng pagiging mabuti. Si Jesus lamang ang makapagliligtas sa atin. Namatay Siya para maligtas tayo at Siya ang tutulong sa atin para tayo ay maging mabuti (7:25-8:2).

Napawi ang kasalanan na naghiwalay sa atin mula sa Dios dahil sa ginawa ni Cristo at wala na tayong dapat idagdag. Nais ng Dios na maligtas ang lahat at magbago sa tulong ng Banal na Espiritu. Nangugusap Siya sa atin ngayon. Siya lamang ang makakatulong sa atin.