Month: Marso 2021

Hindi Malulugi

Noong 1995, napakalaki ng itinubo ng pera ng mga nag-invest sa stock market sa Amerika. Nasa 37.6% ang itinubo ng pera nila. Pero noong 2008, nalugi naman ng 37% ang mga investor noong panahong iyon. Dahil sa pabagu-bagong kita sa stock market, natatakot ang mga investor dahil walang katiyakan kung ano ang mangyayari sa perang pinuhunan nila roon.

Tiniyak naman…

Hindi Pinili

Minsan, nagpost sa Facebook ang kaibigan ko tungkol sa isang proyektong natapos niya. Binati siya ng mga tao pero nasaktan ako dahil para talaga sa akin ang proyektong iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinasa iyon sa kanya.

May kaugnayan dito ang nangyari kay Jose. Dalawa sila na pinagpipilian para maging apostol na kapalit ni Judas. Nanalangin noon ang mga apostol, “Panginoon,…

Kasama Natin Siya

Minsan, habang namimili ako sa isang supermarket, napansin ko ang isang babae na matagal na nakatingin sa pinakamataas na istante. Nandoon din kasi sa istanteng iyon ang gusto kong bilhin. Hindi naman ako napapansin ng babae dahil abala siya marahil sa pag-iisip kung ano ang pipiliing bilhin. Tinanong ko siya kung kailangan niya ng tulong. Nagulat siya at sinabing, “Hindi ko…

Layunin ng Paghihirap

Nais nang sumuko sa buhay ni Siu Fen nang malaman niya na mayroon siyang sakit sa bato at habang buhay na siyang magda-dialysis. Kahit matagal na siyang sumasampalataya kay Jesus, hindi na niya makita ang layunin kung bakit kailangan pa niyang mabuhay. Retirado na kasi siya at wala ring asawa. Pinalakas naman ng mga kaibigan niya ang kanyang loob at kinumbinsi…

Pagsaliksik ng Kayamanan

May itinago raw ang milyonaryong si Forrest Fenn sa Rocky Mountains ng isang kahon na naglalaman ng mga alahas at ginto na nagkakahalaga ng 2 milyong dolyar. Marami ang pumunta roon para hanapin ang kahon. Sa katunayan, 4 na ang namatay dahil lang sa pagsasaliksik sa mga ito.

May ginto ba o kahit anong kayamanan na karapat-dapat hanapin at ibuwis ang buhay…