Month: Hulyo 2023

Pagkawalay

Minsan, habang inihahatid kami ng aming taxi driver sa Heathrow Airport, nagkuwento siya ng tungkol sa kanyang buhay. Sinabi niya na labin-limang taong gulang pa lamang daw siya nang magsimulang manirahan sa United Kingdom. Ginawa niya iyon upang takasan ang digmaan at taggutom sa kanilang bansa.

Paglipas ng labing-isang taon, mayroon na siyang sariling pamilya at masaya niyang natutugunan ang kanilang pangangailangan.…

Mahalagang Katotohanan

Sa paglagay ko ng aking Biblia sa pulpito, nakita ko ang kasabikan ng mga tao na marinig ang aking ipapahayag. Nanalangin at naghanda naman ako pero bakit hindi ako makapagsalita? “Wala kang kuwenta. Walang makikinig sa’yo, lalo na kapag nalaman nila ang nakaraan mo. At hindi kailanman gagamitin ng Dios ang tulad mo.” Ganitong mga salita ang tumimo sa aking…

Buong Sigasig

Si Charles H. Spurgeon ay namuhay ng buong sigasig at kasipagan mula 1834-1892. Sa edad na labing-siyam ay nagsimula na siyang mangaral. Mabilis na dumami ang kanyang mga tagapakinig. Siya mismo ang sumusulat ng kanyang mga pahayag.

Nagkaroon siya ng animnapu’t-tatlong koleksyon ng kanyang mga pahayag, nagsulat ng maraming komentaryo sa Biblia, mga librong tungkol sa pananalangin, at marami pang…

Komunikasyon

Sa loob ng labing-apat na taon ay tinutulungan ng rover ang NASA o National Aeronautics and Space Administration sa pagkuha ng datos mula sa planetang Mars. Pinangalanang Opportunity ang rover na ito. Taong 2004 nang magsimula itong magpadala ng mga datos at larawan mula sa planetang Mars. Ngunit taong 2018 nang matigil ito. May alikabok kasing humarang sa solar panels na nagpapagana sa rover.

Tulad…

Ang Kailangan Nating Karunungan

Nagmadaling pumunta si Ellen sa kanyang mailbox at isang sobre ang dumating para sa kanya. Nanggaling ito sa kanyang matalik na kaibigan. Naikuwento kasi ni Ellen dito ang kanyang problema. Dali-dali niyang binuksan ang sobre ang tumambad sa kanya ang isang makulay na kwintas. Kalakip nito ang isang card na may slogan na “Say it with Morse Code.” May nakalagay ditong mensaheng…