Month: Nobyembre 2024

Paggamit Ng Iyong Boses

Mula walong taong gulang, nahirapan na si Lisa dahil madalas siyang mautal-utal, kaya takot siya sa mga pampublikong sitwasyon na kailangan niyang makipag-usap. Kinalaunan, nalampasan niya ang hamon sa tulong ng therapy o pagsasanay sa pagsasalita. Nagdesisyon siyang gamitin ang boses para makatulong. Nagboluntaryo siya bilang tagapayo sa mga may problemang pang-emosyonal na tumatawag sa telepono.

Kinailangan ding harapin ni Moises…

Ang Pag-ibig Ng Dios

Isang negosyanteng taga California si Frederick Lehman. Isinulat niya ang himnong “Ang Pag-ibig ng Dios” noong 1917, nang nalugi siya sa negosyo. Dahil sa inspirasyon, naisulat niya agad ang unang dalawang saknong, pero nahinto sa pangatlo. Naalala niya ang isang tulang nadiskubre ilang taon na noon ang nakalipas – na inukit ng isang preso sa batong pader ng kulungan nito…

Maliliit Na Kabutihan

Nagtatrabaho si Amanda bilang bumibisitang nurse na umiikot sa ilang tahanan ng pag-aaruga. Madalas niyang isama si Ruby, ang anak niyang labing-isang taong gulang. Para may magawa, nagsimulang magtanong si Ruby sa mga residente, “Kung puwede kang magkaroon ng kahit anong tatlong bagay, ano ang gusto mo?”

Sinusulat niya sa kwaderno niya ang mga sagot nila. Nakakagulat na maliliit na bagay…

Parehong Totoo

Muling nakasama ni Feng Lulu ang tunay niyang pamilya matapos ang tatlong dekada. Batang-bata pa lang siya noong dinukot siya habang naglalaro sa labas ng bahay nila. Nahanap siya sa tulong ng grupong All China Women’s Federation. Hindi natandaan ni Feng Lulu ang masamang pangyayari at lumaki siyang iniisip na ipinagbili siya dahil hindi kaya ng mga magulang na kupkupin…

Ang Pinagmulan

May pumapatay ng libu-libong tao sa London noong 1854. Ang akala – baka dahil sa masamang hangin. Tila niluluto ng hindi napapanahong init ang mala-imburnal na Ilog Thames at matinding pasakit sa ilong ang amoy. Tinawag itong “Ang Matinding Alingasaw.” Pero may mas malala pa pala. Natuklasan sa pananaliksik ni Dr. John Snow na ang kontaminadong tubig ang dahilan ng…