Minsan, niyaya ako ng aking kaibigan na kumain sa isang kainan. Nang dumating kami roon, napansin namin ang ilang mga bagong kasal na papunta sa Tomb of the Unknown Soldier. Isa itong monumento para alalahanin ang mga sundalong nagsakripisyo noong Unang Digmaang Pandaigdig pero ang mga labi ay hindi nakilala. Nag-alay ng mga bulaklak ang mga bagong kasal habang inaalala ang sakripisyo ng magigiting na mga sundalo.

Lubos ang pasasalamat natin sa mga taong nagsakripisyo para matamasa natin ang mga bagay na mayroon tayo ngayon. Pero hindi maikukumpara sa kahit ano pa man ang sakripisyong ginawa ni Jesus para sa atin. Sa krus lamang natin makikita ang dakilang sakripisyong ginawa ni Jesus para iligtas tayo.

Ipinapaalala rin naman sa atin ng tinapay at ng inumin tuwing Banal na Hapunan ang sakripisyong ginawa ni Jesus. Isinulat ni Pablo, “Tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom ng inuming ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa Kanyang pagbabalik” (1 CORINTO 11:26). Tuwing Banal na Hapunan, maalala nawa natin na palaging magpasalamat sa lahat ng ginawa ni Jesus para sa atin.