Month: Agosto 2025

MAGKASAMA KAHIT MAGKAIBA

Tagasuri ng negosyo si Francis Evans. Minsan, inaral niya ang 125 na ahente ng insurance para alamin ang sikreto ng kanilang tagumpay. Nagulat siya sa napag-alaman niya.

Hindi masyadong mahalaga ang galing. Pinipili ng mamimili ang ahenteng kapareho nila ng pinag-aralan, taas, at paninindigan sa pulitika. Tinatawag na homophily ang ugaling ito, kung saan mas pinipili natin ang mga taong…

LIBONG TULDOK NG LIWANAG

Umaakit ng maraming turista taun-taon ang Dismals Canyon, isang lambak sa hilagang-kanluran ng Alabama sa Amerika. ‘Pag buwan ng Mayo at Hunyo kasi napipisa ang mga uod ng gnat (isang insektong parang lamok) at nagiging glowworm. Sa gabi, nagbibigay ang mga ito ng matingkad na asul na liwanag. Kahanga-hanga ang gandang nabubuo ng libu-libong glowworm!

Hindi nga ba’t parang glowworm din ang…

PINALAYA MULA SA PAGKAALIPIN

“Katulad ka ni Moises; pinalaya mo kami mula sa pagkaalipin!" Napabulalas si Jamila, isang manggagawa ng tisa na pinapainitan sa hurno sa Pakistan. Nagdurusa ang buong pamilya niya dahil sa laki ng pagkakautang nila sa may-ari ng hurno. Pambayad lang sa interes ang malaking bahagi ng kinikita nila. Kaya ganoon na lang ang kaluwagang naranasan nila dahil sa regalo mula…

DALUYAN NG KATOTOHANAN

Nahirapan makahanap ng murang bahay na malapit sa pagtatrabahuhan niya si Nadia. Dalawampung taong gulang siya noon at naghahandang magtapos sa kolehiyo. Samantala, iniisip naman ni Judith, na animnapu’t-apat na taong gulang, na umalis na sa bahay na kinalakihan dahil malaki ito para sa nag-iisang tulad niya. Pareho silang pumunta sa isang home-sharing agency na pinagtatagpo ang mga batang nangungupahan at…

MGA KANLUNGAN

Naantig ang puso nina Phil at Sandy sa mga kuwento tungkol sa mga batang refugee o mga dayuhang naghahanap ng kukupkop sa kanila. Kaya’t binuksan nila ang puso’t tahanan nila para sa dalawa sa mga ito. Matapos sunduin sa paliparan ang dalawa, kabado sila at tahimik na nagmaneho pauwi sa bahay. Handa ba sila? ‘Di nila kapareho ng kultura, salita, at relihiyon…