Noong 2022, inihayag ng gobyerno ng Singapore na dapat bigyan ang lahat ng dayuhang domestic workers ng hindi bababa sa isang araw na pahinga bawat buwan. Nag-alala ang mga amo na baka walang mag-alaga sa pamilya nila sa mga araw na iyon. Magagawan naman ng paraan ang problema nila. Pero tila mas mahirap gawan ng paraan ang pagbubukas ng kanilang isipang kailangan din ng mga manggagawa ng pahinga.

Hindi na bago ang ganitong sitwasyon. Noong panahon nina Apostol Pablo, itinuturing ang mga alipin na pag-aari ng mga amo. Pero sa mga bilin niya sa mga nagtitiwala kay Jesus sa Colosas, sinabi ni Pablo na dapat tratuhin nang “mabuti at makatarungan” ng mga amo ang kanilang mga alipin (4:1).

Kung paanong pinaalalahanan ni Pablo ang mga alipin na maglingkod “nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran... at hindi ang tao” (3:23), sinabi rin niya sa mga amo na mayroon silang “amo sa langit” (4:1). Layunin ni Pablo na hikayatin ang mga mananampalataya sa Colosas na mamuhay na si Jesus ang sinusunod. Gayundin, sa pakikipag-ugnayan natin sa iba bilang amo o empleyado, sa tahanan man o sa komunidad, hilingin natin sa Dios na tulungan Niya tayong magawa ang “mabuti at makatarungan” (4:1).