Sa isang pangkaraniwang check up, nakita ang ilang di inaasahang butlig sa katawan ni Calvin, isang apat na taong gulang na bata. Matapos bigyan ng injection, nilagyan ito ng maliit na benda. Sa bahay, nang dapat nang tanggalin ang benda, dumaing si Calvin sa takot. Upang pawiin ang kanyang takot, sinabi ng ama niya, “Calvin, alam mong hinding-hindi ako gagawa ng anumang bagay para saktan ka.” Nais ng kanyang ama na magtiwala sa kanya ang kanyang anak kaysa matakot sa pagtanggal ng benda.

Hindi lamang mga apat na taong gulang ang takot sa sakit. Nagdudulot sa atin ng pangamba, buntong-hininga, pag-iyak, at pagdaing ang mga operasyon, pagkakahiwalay sa mga mahal sa buhay, problemang pangkaisipan, at marami pang iba.

Sa Biblia, naranasan din ni David na mapuno ng takot. Nasa teritoryo siya ng mga Filisteo habang tumatakas mula kay Haring Saul, na puno ng inggit sa kanya. Nang makilala siya ng mga taga roon, nabahala si David sa maaaring mangyari sa kanya (1 SAMUEL 21:10-11): “natakot siya sa maaaring gawin sa kanya ni Haring Akish ng Gat” (TAL. 12). Isinulat ni David, “Kapag ako’y natatakot, magtitiwala ako sa Inyo... Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa Inyo” (SALMO 56:3-4).

Ano ang gagawin natin kapag natatakot tayo? Magtiwala tayo sa ating Ama sa Langit.