Isang gabi, napansin ko ang maaayos na tanim sa isang bakanteng lote malapit sa amin. Sa bawat hanay ng lupa, may umuusbong na maliliit na dahon. Kinabukasan, napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang pagbukadkad ng magagandang pulang bulaklak sa loteng iyon.

Isang grupo pala ang nagtanim ng isandaang libong pulang tulips sa mga bakanteng lote sa timog na bahagi ng Chicago. Pinili nila ang kulay pula bilang palatandaan ng epekto ng redlining (diskriminasyon ng mga bangko sa pagpapahiram ng pera sa mga hindi Puti). Sumasagisag ang mga pulang bulaklak sa mga bahay na nakatayo sana sa mga bakanteng lote.

Gayundin naman, dumanas ang bayan ng Dios ng maraming hamon. Ipinatapon sila sa ibang bayan at nakaranas ng diskriminasyon tulad ng redlining. Gayunpaman, may makikita tayong pag-asa. Habang nasa ibang bayan, ipinaalala ni Isaias sa Israel na hindi sila pababayaan ng Dios. “Sa halip na maglagay sila ng abo sa kanilang ulo bilang tanda ng pagdadalamhati, maglalagay sila ng langis o ng koronang bulaklak sa kanilang ulo” (ISAIAS 61:2-3). Makatatanggap din ng “magandang balita” ang mahihirap (TAL. 1). Naglalarawan ang mga ito sa kaluwalhatian Niya, na magdudulot ng kagalakan sa kanila. At “Sila’y magiging parang matibay na puno na itinanim ng Panginoon” (TAL. 3).

Gayundin, nagtatanghal ang mga pulang bulaklak na maaaring lumikha ang Dios ng kagandahan mula sa diskriminasyon. Umaasa akong makita ang mga pulang bulaklak tuwing tagsibol. Pero higit doon, umaasa akong makita ang panibagong pag-asa sa aking komunidad.