Bilang isang landscape photographer, mahilig akong tumingin ng mga larawan ng kalikasan sa internet. Kamakailan, nakita ko ang isang artikulo sa sampung sa pinakamagagandang tanawin sa U.S. Makikita roon ang larawan ng Hoh Rain Forest na binabalot ng luntiang lumot, na para bang tanawing mula sa isang pelikula. At marami pang kamangha-manghang larawan.

Habang pinagmamasdan ko ang mga larawang iyon, lalo akong namangha sa kadakilaan ng Dios. Ganito rin ang damdaming ipinahayag ni Haring David sa Salmo 68: “Awitan ninyo ang Dios…na siyang may hawak sa mga ulap” (tal. 4). Makikita rin ang kapangyarihan ng Dios laban sa Kanyang mga kaaway na itinataboy na parang usok (tal. 2). Masasalamin din ang pagiging mapagmalasakit ng Dios na ating Tagapagligtas na tumutulong sa ating mga suliranin sa bawat araw (tal. 19). At Sa huli talata, ipinahayag ni David ang lubos niyang pagkamangha sa kahanga-kahangang Dios (tal. 35).

Sa tuwing pinagmamasdan ko naman ang napakagandang nilikha ng Dios sa mga larawan, naipapaalala nito sa akin ang kadakilaan at pag-ibig ng Dios. Parang sumasalamin ang napakalawak na kalikasan sa Kanyang walang hanggang kapangyarihan, habang ang kagandahan nito ay nagpapaalala ng Kanyang pagmamalasakit sa bawat isa sa atin. Kaya naman, sa bawat pagkakataong masilayan natin ang kagandahan ng Kanyang nilikha, nawa'y masabi din natin na tunay kahanga-hanga ang Dios.