Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Buhay at Kamatayan

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pagkakataong nasaksihan ko ang pagkamatay ng kapatid ng aking kaibigan. Habang nag-uusap kaming tatlo sa isang kuwarto ng ospital, unti-unti nang nahirapang huminga ang kapatid ng aking kaibigan. Nilapitan namin siya at sama-sama idinalangin. Sa kanyang huling hininga ay naramdaman pa rin namin ang pagmamalasakit ng Dios sa kabila ng aming pagluha at kalungkutan.

Nakaranas din ang…

Matinding Pagsubok

Minsan, pumunta ako sa isang museo sa Colorado. Natutunan ko doon ang tungkol sa kakaibang katangian ng isang puno na tinatawag na aspen. Tumutubo ang aspen mula sa isang buto at nagdidikitdikit ang mga ugat nito. Kapag naghiwa-hiwalay na ang mga ugat at naarawan saka pa lamang tutubo ang mga sanga at dahon nito. Sa tulong ng pagkasunog ng gubat, pagbaha…

Masaganang Bunga

Natatanaw mula sa bintana ng eroplanong aking sinasakyan ang isang masaganang bukid na nasa pagitan ng dalawang tigang na bundok. Makikita rin doon ang isang ilog na siyang nagbibigay ng tubig sa bukid.

Nakabatay ang masaganang ani sa kung gaano karaming tubig ang naibibigay sa mga tanim. Nakabatay rin naman sa dami ng panahon ng paglalaan sa Salita ng Dios ang…

Tunay na Pagkatao

Naatasan ang pintor na si Graham Sutherland na ipinta ang larawan ng sikat na mambabatas na si Winston Churchill. Ipagdiriwang kasi ni Churchill ang kanyang ika-80 taong kaarawan. Nais makita ni Churchill sa larawan ay kung ano ang pagkakakilala sa kanya ng mga tao. Pero sabi ni Sutherland ang iguguhit niya raw ay ang tunay na pagkatao ni Churchill..

Hindi nagustuhan…

Magkaibang Pananaw

May natutunan na magandang aral ang isang guro na taga Hilagang Amerika sa kanyang mga estudyante na taga Timog Silangang Asya. Pagkatapos niyang bigyan ng pagsusulit ang kanyang klase, nagulat siya nang makita niya ang mga papel ng kanyang mga estudyante. Maraming tanong ang hindi nila sinagutan sa kanilang pagsusulit. Nang isinauli niya ang papel ng mga estudyante, iminungkahi niya sa…

Hindi Ikaw

Si Haring David ang nagplano at nagdisenyo ng templo na itatayo para sa Dios. Siya rin ang nag-ipon ng mga materyales at iba pang kakailanganin para maitayo ito (tingnan ang 1 Cronica 28:11-19). Pero hindi si David ang nagtayo ng kauna-unahang templo sa Jerusalem kundi si Solomon na anak niya.

Sinabi kasi ng Dios kay David, “Hindi [ikaw] ang magtatayo ng…

Ituon ang Paningin

Mausisa at mahilig magtanong ang apat na taon kong anak. Gustong-gusto ko siyang kausap palagi. Pero, ugali niyang tumalikod habang kinakausap niya ako. Kung kaya't madalas kong nasasabi sa kanya na humarap sa akin para maintindihan ko ang sinasabi niya.

Minsan, iniisip ko na maaaring ganito rin ang nais sabihin ng Dios sa atin. Maaaring may pagkakataon na kinakausap natin ang…

Pagkalinga ng Magulang

Binigyan ako ng pagkakataon ng aking kaibigan na mabuhat ang kanyang bagong silang na anak. Umiyak agad ang sanggol nang buhatin ko siya. Niyakap ko siya at inihele upang aliwin pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak. Kahit na maraming taon na ang aking karanasan sa pagiging isang ina, hindi ko pa rin mapatahan ang sanggol. Pero nang ibalik ko…

Nakikilala

Makikita sa dating kulungan sa China ang dambana ng isang lalaking namatay noong 1945. Ganito ang mababasa sa dambana, “Ipinanganak sa Tianjin si Eric Liddell noong 1902. Ang pinakamatagumpay na bahagi ng kanyang buhay ay nang manalo siya ng gintong medalya sa larangan ng pagtakbo noong 1924 sa Olympic Games. Bumalik siya sa China para maging isang guro sa Tianjin. Inilaan…

Ulan sa Tagsibol

Habang naglalakad ako sa isang parke, nabaling ang atensyon ko sa maliliit na halaman na malapit nang mamulaklak. Ang mga bulaklak na iyon ay nagpapahiwatig na malapit na ang tag-init at matatapos na ang panahon ng taglamig.

May mababasa naman tayo sa Lumang Tipan ng Biblia na tila walang katapusan ang panahon ng taglamig. Inutos noon ng Panginoon kay propeta Hosea…