Pagtakbo at Pagpapahinga
Nabasa ko sa dyaryo na mahalaga sa mga atleta ang pagpapahinga. Ayon kay Tommy Manning, isang dating miyembro ng U.S. Mountain Running Team, ang pagpapahinga raw ang isa sa mga gawaing madalas na hindi binibigyang halaga ng mga atleta. Sinabi pa niya na kailangan daw ng katawan ang magpahinga pagkatapos ng nakakapagod na pagsasanay.
Mahalaga rin ang magpahinga sa ating paglilingkod…
Maliit na Apoy
Isang gabi ng Setyembre, taong 1666, nasunog ang pagawaan ng tinapay ni Thomas Farriner sa London. Kumalat agad ang apoy sa mga kalapit bahay hanggang halos matupok na ang buong lungsod ng London. Tinatayang 70,000 katao ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog. Isa itong napakalaking trahedya na nagsimula lang sa isang maliit na apoy.
Nagbigay din sa atin ang Biblia…
May Problema
Matapos kong isilang ang aking anak na si Allen, sinabi ng doktor na kailangan siyang dalhin sa ibang ospital para maoperahan agad. Mapanganib kasi ang kondisyon niya na maaari niyang ikamatay.
Magkakaroon ng malaking epekto sa buhay mo ang malaman na may malubhang sakit ang anak mo. Mapupuno ka ng takot at tatawag ka sa Dios na Siyang magbibigay sa iyo…
Mauna Ka
Sa ibang kultura, pinapauna sa pagpasok sa isang silid ang mas nakakatanda kaysa sa nakakabata. Sa ibang kaugalian naman, ang isang taong may mas mataas na katungkulan ang siyang unang pinapapasok. Kahit na magkakaiba ang ating mga kinaugalian, may mga pagkakataon na mahirap para sa atin na paunahing pumili ang ibang tao lalo na kung tayo talaga ang may karapatan na…
Ipagkatiwala sa Dios
Aksidenteng nasagi ko ang aking baso sa isang kainan. Tumapon ang laman nito sa gilid ng mesa hanggang sa sahig. Dahil nahihiya ako, sinubukan kong saluhin ang tubig gamit ang aking mga kamay. Pero wala rin itong naitulong. Umagos lang ang tubig sa aking mga kamay. Kakaunti lamang ang aking nasalo at basangbasa pa ang aking mga paa.
Ganito rin ang…
Ang Pamana
Hindi masyadong mayaman ang aking lolo at lola. Pero, sa tuwing ipinagdiriwang namin ang Pasko, hindi ito naging hadlang para bigyan nila ako at ang aking mga pinsan ng masaya at makabuluhang Pasko. Laging maraming pagkain, may kasiyahan at punong-puno ng pagmamahal sa aming tahanan. Mga bata pa lamang kami, alam na namin na si Cristo ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang…
Buong Puso
Naging mahirap para sa akin at sa aking asawa ang pagaalaga sa aming tumatandang mga magulang. Pero hindi namin lubos akalain na gagamitin pala ng Dios ang sitwasyong iyon upang baguhin ang aming puso at tularan Siya.
Sa mga pagkakataon na ako ay lubos na nahihirapan, ipinapakita sa akin ng Dios ang aking mga motibo, mga kinatatakutan, ang aking pagiging mayabang,…
Hindi Inaasahan
May tren sa London na maraming sakay. Nakipagtulakan at nang-insulto doon ang isang pasahero sa nakipag-unahan sa kanya. Matapos ito, nangyari ang hindi inaasahan. Ang tao palang itinulak at ininsulto niya ay ang taong mag-iinterbyu sa kanya para sa isang trabaho. Isipin mo na lang ang pakiramdam ng isang taong nakita ang nasaktan niya at sa ’di inaasahan, iyon din pala…
Natatangi
Minsan, naisip ko na pahabain ang balbas ko habang bakasyon. Iba’t ibang komento ang natanggap ko mula sa aking mga kaibigan at katrabaho. Nagustuhan ng marami ang bago kong hitsura. Pero isang araw, nagpasya akong ahitin na ang aking balbas dahil parang ibang tao na ako.
Naisip ko tuloy na ang bawat isa ay may sari-sariling pagkatao at kung bakit may…
Tulong!
Tatlong beses inulit ang salitang Mayday kapag may nagbabantang panganib sa paglalakbay sa karagatan o sa himpapawid. Nagmula ang salitang ito kay Frederick Stanley Mockford noong 1923. Nagtatrabaho siya sa London Croydon Airport. Ayon sa National Maritime Museum, hinango ito ni Mockford sa salitang Pranses na m’aidez na ang ibig sabihin ay “tulungan mo ako.”
Humingi naman ng tulong si Haring…