Tulad Natin
Si Charles Schulz ang lumikha sa sikat na Peanuts komiks. Noong namatay siya, ikinuwento nang kanyang kaibigan at kapwa manunulat na si Cathy Guisewite ang tungkol sa kabaitan at pagiging maawain ni Charles.
Kuwento ni Cathy, “Lumikha siya ng mga karakter sa komiks na kung saan nararanasan ng mga ito ang mismong nararanasan ng mga tao. Dahil doon naging malapit sa…
Buong Sarili
Hindi masaya ang binatang si Isaac Watts sa mga kinakanta sa kanilang simbahan. Kaya hinamon siya ng kanyang ama na gumawa ng bagong kanta. Gumawa naman si Isaac. Sumikat ang ginawa niyang kanta na “When I Survey The Wondrous Cross.” Tungkol ito sa mga nararamdaman ni Isaac kapag pinag-iisipan niya ang kamatayan ni Jesus. Itinuring itong pinakamagandang kanta na inaawit ng…
Kamatayan
May isinulat sa isang pahayagan ang manunulat na si Ariana Cha tungkol sa proyektong ginagawa ng ilang bilyonaryo. Ikinuwento ni Ariana ang pagsisikap ng mga bilyonaryo na mapahaba ang buhay ng tao hanggang sa hindi na dumanas ng kamatayan. Nais nilang talunin ang kamatayan. Handa rin silang gumastos ng bilyon para sa proyektong ito.
Ang totoo, huli na sila. May tumalo…
Hindi Napapansin
May magandang paraan si Plato na taga bansang Greece kung paano maipapakita ang kabutihan at kasamaan sa puso ng tao. Nagkuwento siya tungkol sa isang pastol na nakakita ng isang gintong singsing. Minsan, nagkaroon daw ng lindol at pagkatapos nito ay bumuka ang lupa kung saan natagpuan niya ang gintong singsing. Natuklasan din ng pastol na may kakayahan ang singsing na…
Malaya Kang Lumapit
Ilang taon na ang nakakalipas nang imbitahan ako ng kaibigan ko na manood sa paligsahan ng larong Golf. Nang makarating na kami, binigyan nila ako ng mga regalo, babasahin tungkol sa golf at mapa ng buong lugar. Pero ang pinakamaganda ay ang makaupo kami sa isang lugar na para sa mga espesyal na tao kung saan libre ang pagkain at maayos…
Buong Puso
Si Caleb na binanggit sa Biblia ay laging sumusunod nang buong puso sa mga iniutos sa kanya. Kasama noon si Caleb sa labindalawang Israelita na isinugo para imbestigahan ang lupaing ipinangako ng Dios sa kanila. Nang makabalik na sila, sinabi ni Caleb, “Hindi tayo dapat mag-aksaya ng panahon. Lusubin na natin sila sapagkat kaya natin silang gapiin” (BILANG 13:30 MBB).…
Ano kaya?
Maraming taon na ang lumipas nang mamatay sa isang aksidente ang dalaga kong anak na si Melissa. Gayon pa man, lagi pa rin akong napapaisip at napapatanong sa sarili nang ganito: Ano kaya? Sa panahon kasi na nakakaramdam ako ng kalungkutan sa tuwing naaalala ko ang nangyari sa anak ko, iniisip ko kung ano kaya kung iba ang nangyari. Maliligtas kaya…
Magpatuloy lang
Amazing Race ang isa sa mga paborito kong panoorin sa telebisyon. Sampung pares na magkasintahan o magasawa ang kasali. Dinadala sila sa iba't ibang bansa para magkarerahan patungo sa dapat nilang puntahang lugar. May mga pagkakataon na kailangan nilang sumakay ng tren, bus, taksi, bisikleta o kaya naman tumakbo na lang. Ang unang makakarating sa lugar ang siyang mananalo at magkakamit…
Kagandahang-Loob
Minsan, parang salungat ang itinuturo ni Jesus tungkol sa kagandahang-loob at sa kung ano ang nais Niyang gawin natin.
Hindi kailanman ibinaba ni Jesus ang pamantayan ng Dios na maging perpekto ang mga tao. May sinabi noon si Jesus sa isang binata na dapat niyang gawin. “Dapat kayong maging [perpekto] tulad ng inyong Amang nasa langit” (MATEO 5:8 ASD). Sinabi naman…
Magandang Balita
May pag-aaral na ginawa sa isang unibersidad sa Boston na nasa Amerika. Tungkol iyon sa kung paano kumakalat ang balita noong mga taong 1800 sa pamamagitan ng diyaryo kumpara sa internet ngayon. Ayon sa pag-aaral nila, kapag 50 beses na raw noon inilimbag muli ang tungkol sa isang balita, nagviral na daw ito. Ang ibig sabihin ng viral ay kumalat ang…