Month: Disyembre 2018

Ipadama ang Saya

May isang babaing nagngangalang Janet na nagturo ng Ingles sa ibang bansa. Naramdaman niya na parang hindi masaya ang mga nagtatrabaho doon. Hindi sila nagtutulungan o nagpapalakas ng loob ng isa’t isa. Pero dahil masaya si Janet at ipinagpapasalamat niya sa Dios ang mga ginawa ng Dios para sa kanya, nakikita ito sa mga ginagawa niya. Nginingitian niya ang mga kasama…

Mahalin ang Kaaway

Nang magdigmaan ang North at South Korea noong 1950, sumabak din sa giyera ang 15 taon na si Kim Chin-Kyung upang ipagtanggol ang South Korea. Nang nasa digmaan na siya, saka lang niya nalaman na hindi pala niya kaya ang madugong labanan. Namatay ang mga kabataang kaibigan niya na kasama niya sa digmaan kaya nagmakaawa siya sa Dios na sana’y makaligtas…

Sino Siya sa ’Yo?

Sa isang dyaryo ay mababasa ang sinabi ni Albert Einstein sa tagapag-ulat na nagtanong sa kanya noong 1929. Sinabi ni Albert Einstein na isa siyang Judio at noong bata pa siya, marami siyang natutunan sa Biblia at sa isa pang librong pangrelihiyon na tinatawag na Talmud. Sinabi din niya na kapag binabasa ang unang apat na aklat ng Bagong Tipan sa…

Matuwid

Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa pananampalataya kay Jesus, kung minsan ay may mga salita na hindi natin lubusang nauunawaan. Isa sa mga ito ang ‘katuwiran’. Sinasabi natin na ang Dios ay nagtataglay ng katuwiran at ginagawa Niyang matuwid ang mga sumasampalataya kay Jesus pero mahirap itong maunawaan.

Makakatulong ang paraan ng pagsusulat ng mga taga China para maintindihan natin ang ibig…

Pinagsabihan

Ang paksang tatalakayin ng mga tagapagsalita sa isang camp ay tungkol sa pagpapagaan ng loob ng mga nagtitiwala kay Jesus. Pero iba ang sinabi ng huling tagapagsalita. Pinili niya ang ilang talata sa ikapitong kabanata ng aklat ng Jeremias. Ang pamagat ng kanyang mensahe ay “Hoy, Gising!” Hinamon niya kami na talikuran na ang pagkakasala.

Sinabi niya na ipinagmamalaki daw namin…

Idlip

May ikinuwento ang isang pastor tungkol sa isang matandang babae na nakatira sa liblib na lugar sa Scotland. Gustung-gusto daw makita ng matanda ang bayan ng Edinburgh pero natatakot siyang magbiyahe. Dadaan kasi ang tren sa isang mahaba at madilim na daanan sa ilalim ng lupa.

Pero dahil sa isang pangyayari, napilitan ang matandang iyon na pumunta sa Edinburgh. Nang umandar…

Mga Bookmark

[kickpress-bookmarks]

Namumuhay sa Liwanag

Nababalot ng ulap ang paligid kung kaya’t madilim-dilim pa kahit umaga na. Kinailangan kong magbukas ng ilaw para mabasa ko ang aking binabasa. Maya-maya, biglang lumiwanag na. Tinatangay na ng hangin ang mga ulap kung kaya’t nalantad na ang araw.

Lumapit ako sa bintana para mas lalo kong makita ang pagliwanag. Naisip ko ang sinabi sa Biblia: “Napapawi na ang kadiliman…

Magandang Balita

Ang mga nangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo ay ibinabalita sa internet, telebisyon, radyo at kahit sa cellphone. Halos lahat ng balita ay masama pero kung minsan, sa kabila ng mga masamang nangyari ay mayroon ding magandang naibabalita tulad ng pagkakaroon ng lunas sa isang sakit na nakamamatay at iba pa.

May mababasa tayo sa Biblia, sa aklat ng Nahum…