Noong 2016, mahigit na 98.2 bilyong dolyar ang nagastos ng tao sa buong mundo sa pagbili ng tsokolate. Hindi naman nakakabigla ang balita dahil napakasarap naman talagang kumain ng tsokolate. Kaya nga, nagbunyi ang marami ng malaman nilang may magandang naidudulot ang matamis na pagkaing ito sa ating kalusugan. Malamang, ito ang reseta na buong pusong nating tatanggapin at papakinggan.

Mayroon namang iminungkahing parang matamis na pagkain si Haring Solomon na mahalagang magkaroon tayo. Ito ang karunungan. Inihalintulad ni Solomon ang karunungan sa tamis ng isang pulot. Sinabi niya sa kanyang anak na “mabuti para sa iyo ang pulot” (KAWIKAAN 24:13). Ang sinumang mayroong karunungan mula sa Salita ng Dios ay may magandang epekto hindi lamang sa kanyang kaluluwa kundi maging sa pagtuturo, pagsasanay at sa lahat ng ginagawa natin sa ating buhay (2 TIMOTEO 3:16-17).

Ang karunungan din ang nagbibigay sa atin ng kakayahang magdesisyon nang tama at maunawaan ang mga taong nakapaligid sa atin. Mahalagang pagyamanin pa natin ang ating karunungan sa Salita ng Dios at hikayatin din natin ang ating mahal sa buhay tulad ng nais ni Solomon na gawin ng kanyang mga anak.

Maaari nating matamasa ng walang limitasyon ang karunungan na nagmumula sa Biblia na nagdudulot ng kagalakan. Kaya naman, lubos nating pasalamatan ang Dios sa Kanyang Salita na napakatamis.