Month: Nobyembre 2024

Tinatakbo Ang Karera

Maiksi lang ang taon ng paglalaro ng mga propesyunal na manlalaro ng football sa NFL (National Football League). Karaniwan 3.3 taon lang, ayon sa statista.com. Pero dalawangpu’t dalawang taon nang naglalaro sa NFL noong 2021 ang apatnapu’t dalawang taong gulang na quarterback na si Tom Brady. Paano? Baka dahil sa mahigpit niyang disiplina sa pagkain at ehersisyo.

Dahil sa pitong singsing na tanda…

Tinutubos Ng Dios Ang Pasakit

Naibenta na ni Olive ang mga bagong gamit niyang pang-dentista at pinapanood niya ang kaibigan habang nilalagay na ang mga pinamili sa kotse nito. Pangarap ni Olive magkaroon ng sarili niyang klinik pero nang ipanganak niya ang anak na may cerebral palsy, alam niyang kailangang tumigil sa pagtatrabaho at alagaan ang anak. “Kung may isang milyong buhay ako, iyon pa…

Naririnig Si Cristo

Makatapos ang ilang oras na panonood ng balita sa telebisyon bawat araw, mas naging aburido at nerbiyoso ang matandang lalaki dahil sa pag-aalalang lalonggumugulo ang mundo at damay siya dito. “Pakipatay na ang telebisyon,” pagmamakaawa ng anak na babae. “Tigilan mo na po ang pakikinig.” Pero nagpatuloy pa ring maglaan ang matanda ng maraming oras sa social media at ibang nagbabalita.…

Mainam Na Pagsasama-sama

Nagtatrabaho si Marie at mag-isang tinataguyod ang mga anak pero bihira siyang hindi magsimba. Linggu-linggo, sakay siya at lima niyang anak ng bus papunta sa simbahan at pauwi. Tumutulong din silang maghanda at magligpit doon. Minsan, ibinalita sa kanya ng pastor nila na may regalo ang ilang miyembro ng simbahan para sa pamilya niya.

Mababang renta sa paupahang bahay, trabaho…

Tunay Na Pagbabago

Isang lumang bakal na bilog ang matibay na iniinda ang malupit na taglamig ng Minnesota habang nakasabit sa may pintuan ng bahay sa bukid na pag-aari ng tiyuhin ko. Sa ‘di-kalayuan, may isa pa, nakakabit naman sa kamalig. Nagtatali ng lubid ang tiyuhin ko sa pagitan ng dalawang bilog na ‘yan para kapag malakas ang snow, may makakapitan siya at…