Sumulat ng isang tula ang manunulat na si Emily Dickinson tungkol sa matinding kalungkutan. Laman ng tula kung paano dumaranas ng matinding kalungkutan ang bawat tao sa mundo. Ayon kay Dickinson, tanging ang kamatayan ni Cristo sa krus ang nagbibigay aliw sa matinding kalungkutan niya. Nagtamo si Cristo ng maraming hirap at sugat bilang kabayaran ng ating mga kasalanan.
Sa aklat naman ng Pahayag sa Biblia, inilarawan si Jesus na tulad ng “isang Tupa na mukhang pinatay” (5:6, 12). Ang mga sugat sa katawan ni Jesus ang patunay na binayaran Niya ang mga pagkakasala natin (1 PEDRO 2:24-25). Dahil sa kabutihan Niya, mayroon tayong bagong buhay at pag-asa.
Binanggit din sa aklat na ito na darating ang panahong papawiin ni Cristo ang mga luha sa mata natin na hatid ng mga matitinding kalungkutang ating nararanasan (21:4). Alam ni Jesus ang lahat ng nadarama natin. Ipinangako Niya ang isang kahariang “walang kamatayan, kalungkutan, iyakan o sakit” (TAL. 4). Ang Dios ang magbibigay ng buhay, lakas, at pag-asa sa atin (TAL. 6, 22:2).
Kay Cristo lamang matatagpuan ang kapahingahan at kagalingan mula sa matinding kalungkutan at hirap na dinaranas natin.