Month: Oktubre 2025

SI CRISTO ANG TUNAY NA ILAW

Pagkalabas namin ng elevator, wala kaming makita ni isang tao na magtuturo sa amin papunta sa mga pintuan palabas—at sa nakakasilaw na liwanag ng araw sa Colorado. Habang naglalakad kami sa mga kalahating-liwanag ng pasilyo, sa wakas nakatagpo kami ng isang lalaking napansin ang aming kalituhan. “Parang magkakapareho ang mga pasilyong ito,” sabi niya, “pero naroon ang labasan.” Sa kanyang…

SA HARDIN

Mahilig mag-camping ang tatay ko. Gusto rin niyang mangisda at mangolekta ng iba’t ibang uri ng bato. Gustung-gusto rin niyang magtrabaho sa kanyang bakuran at hardin. Gumugugol siya ng oras sa paghuhukay, pagtatanim ng buto, pagbubunot ng damo, at pagdidilig ng halaman. Pero sulit naman ang mga resulta—magandang bakuran, masasarap na kamatis, at magagandang rosas. Taon-taon, pinuputol niya ang mga rosas.…

UNA SA LISTAHAN

Nagsimula ang umaga ko na parang isang karera. Paggising ko, agad akong sumabak sa mga gawain. Dalhin ang mga bata sa eskuwela. Tsek. Pumunta sa trabaho. Tsek. Tuloy- tuloy kong tinapos ang bawat nakasulat sa listahan ko.

“...13. Mag-edit ng artikulo. 14. Maglinis ng opisina. 15. Magplano kasama ang aking grupo. 16. Sumulat ng tech blog. 17. Maglinis ng basement.…

GAMITIN MO PARA KAY CRISTO

Narinig mo na ba ang The Sewing Hall of Fame? Itinatag ito noong 2001 upang bigyang-pugay ang mga may “pangmatagalang ambag sa industriya ng pananahi.” Kasama rito si Martha Pullen, na pinarangalan noong 2005. Inilarawan si Martha bilang isang babaeng sumasalamin sa Kawikaan 31. Hindi rin siya nakalimot na kilalanin ang pinagmumulan ng kanyang lakas, inspirasyon, at pagpapala.

Kung may…

ANGKLA NG PAG-ASA

Ipinakita ko sa mga estudyante ko sa Sunday School ang litrato ng mga taong natutulog sa karton sa isang madilim na eskinita. “Ano ang kailangan nila?” “Pagkain,” sabi ng isa. “Pera,” sagot ng isa. “Isang ligtas na lugar,” sabi ng isa pa. Pagkatapos, isang batang babae ang nagsalita: “Pag-asa.”

Paliwanag niya, “pag-asa ang paniniwalang may magandang mangyayari.” Natuwa ako sa sinabi…