Nagtatrabaho si Patrick sa isang eskwelahan at hindi siya madalas nagdadala ng pera kapag pumapasok. Pero isang araw, naramdaman niyang inudyukan siya ng Dios na magdala ng 5 dolyar. Nalaman niya kung bakit noong tanghalian na. Narinig niyang may isang estudyanteng nagngangalang Scotty ang nangangailangan ng 5 dolyar para may pangkain ng pananghalian sa buong linggo. Napakasaya ni Patrick habang ibinibigay ang pera kay Scotty!

Sa aklat ng Tito, pinaalalahanan ni Pablo ang mga nagtitiwala kay Jesus na naligtas sila “hindi dahil sa [kanilang] mabubuting gawa” (3:5). Gayunpaman, sinabihan rin niya silang “maging masigasig sa paggawa ng mabuti” (TAL. 8, 14). Puno ng isipin at mga kailangang gawin ang buhay natin. Abala man tayo sa mga sarili nating buhay, bilang mga mananampalataya, dapat pa rin tayong maging handa upang gumawa ng mabuti. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na wala tayo at mga hindi natin kayang gawin, tingnan natin ang mga bagay na mayroon tayo at ang mga magagawa natin sa tulong ng Dios. Sa ganitong paraan, makakatulong tayo sa nangangailangan at mapapapurihan natin ang Dios. “Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao, upang makita nila ang mabubuting gawa ninyo at pupurihin nila ang inyong Amang nasa langit” (MATEO 5:16).