May bagong dahilan para umasa ang mga taong naparalisa dahil sa pinsala sa spinal cord (ito ang nagdadala ng mensahe mula sa ating utak patungo sa ibang bahagi ng katawan). Nakatuklas kasi ang mga mananaliksik mula sa bansang Germany ng paraan para mapatubo muli ang mga ugat na nag- uugnay sa utak at mga kalamnan. Dahil dito, nakalakad muli ang mga paralisadong daga. Patuloy ang pagsasaliksik para malaman kung ligtas at epektibo rin ito para sa tao.

Ang sinusubukang gawin ng agham para sa mga paralisado, nagawa na ni Jesus sa pamamagitan ng mga himala. Noong binisita Niya ang paliguang tinatawag na Betesda, kung saan namamalagi ang maraming may sakit sa pag-asang gagaling sila, nilapitan ni Jesus ang isang lalaki na “38 taon nang may sakit” (JUAN 5:5). Matapos marinig mula sa lalaking paralisado na nais nga niyang gumaling, iniutos ni Jesus na tumayo siya at lumakad. “Agad na gumaling ang lalaki. Binuhat niya ang higaan niya at lumakad” (TAL. 9).

Hindi naman ipinangako sa atin na pagagalingin ng Dios ang lahat ng karamdaman natin. Marami sa Betesda ang hindi naman pinagaling ni Jesus noong araw na iyon. Subalit, mararanasan ng mga magtitiwala sa Kanya ang ibang uri ng kagalingang handog Niya: pag-asa kapalit ng kawalan ng pag-asa, habag kapalit ng sama ng loob, pag-ibig kapalit ng galit, at pagpapatawad kapalit ng paninisi. Walang pagtuklas ng agham o tubig ng paliguan ang makapaghahandog sa atin ng ganyang kagalingan. Maaari lang iyang magmula sa pananampalataya kay Jesus.