Minsan, nahulog ang mangingisdang si Scott Thompson mula sa kanyang bangka sa karagatan ng California. Hindi niya alam kung mabubuhay pa siya. Sinubukan niyang habulin ang bangka, ngunit umaandar ang makina at hindi niya ito maabutan. Kaya sa gitna ng dilim, lumangoy siya para makahanap ng ligtas na lugar. Habang unti-unti siyang nawawalan ng pag-asa, may narinig siyang pagtilamsik ng tubig malapit sa kanya. Isang isda na harbor seal ang lumangoy kasama niya at tila tinutulungan siyang magpatuloy patungo sa ligtas na lugar. Makalipas ang limang oras, nakarating siya sa pampang. Inilarawan niya ang harbor seal bilang isang “anghel” na isinugo upang tulungan siya.

Sinasabi naman sa Hebreo 1:14 na ang mga anghel ay mga espiritung isinugo upang maglingkod sa mga tatanggap ng kaligtasan. Ipinapaalala ng talatang ito na bagaman kamangha-mangha ang mga anghel, sila ay ginagamit ng Dios upang isakatuparan ang Kanyang layunin. At si Jesus ang nagpapanatili ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang salita (tal. 3).

May mga pagkakataong tila mahaba at mahirap ang ating paglalakbay. Ngunit hindi tayo pinababayaan ng Dios. Sa tamang panahon, ibinibigay Niya ang tulong na ating kailangan—madalas sa paraang hindi natin inaasahan.