Pagkalinga ng Ama
Ilang tao sa simbahan namin ang nakiusap kung maari ba akong tumayo bilang ama at magbigay payo sa kanila. Meron silang hindi magandang relasyon sa mga ama nila. Pinakinggan ko ang mga saloobin nila. Ilan dito ang masyadong mataas na ekspektasyon ng mga magulang nila, at hindi pagpapakita ng pagmamalasakit sa panahong kailangan nila ito.
Meron din namang nagsabi ng pagkagalak,…
Pinakamagandang Regalo
Ang Tickle Me Elmo, Cabbage Patch Kids, at The Furby ay napabilang sa listahan ng mga 20 na pinakasikat na regalo sa panahon ng kapaskuhan. Nakasama rin sa listahan ang paborito ng karamihan na Monopoly, Nintendo GameBoy, at Wii.
Masaya tayo kapag nakakatanggap tayo ng mga regalo tuwing Pasko. Pero walang makakapantay sa kaligayahan ng Dios nang ipagkaloob Niya ang pinakamagandang…
Imposible ang Pagkabigo
“Imposible ang pagkabigo!” Iyan ang mga binitiwang salita ni Susan B. Anthony. Kilala si Susan sa pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan sa Amerika. Lagi man siyang nakakatanggap ng kritisismo at minsang inaresto dahil sa pagboto, hindi siya sumukong ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan na bumoto.
Nanindigan siya na iyon ang nararapat. Kahit hindi na niya nasaksihan ang bunga ng…
Nakasulat sa Puso
Bilang isang propesor, madalas na pinapakiusapan ako ng mga estudyante ko na gumawa ng liham ng rekomendasyon para sa kanila. Kailangan nila ito sa kanilang aplikasyon para sa pag-aaral sa ibang bansa, sa pagpasok ng trabaho, atbp. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ako ng pagkakataong purihin ang kanilang karakter at mga kakayahan.
Sa tuwing maglalakbay ang mga nagtitiwala kay Jesus noon, may…
Magtiwala sa Kanya
Sinabi ni C. S. Lewis sa aklat niyang Mere Christianity, na ang Dios ay hindi nasasakop ng panahon. Alam Niya ang lahat ng bagay. Limitado ang kakayahan natin para maunawaan ito. Pero habang natututo tayong magtiwala sa Kanya, nagiging malinaw rin sa atin na hawak Niya ang lahat, pati ang buhay natin.
Nalalaman naman ng sumulat ng Salmo 102 na lumilipas…
Alam Niya Lahat
Pasakay na ako sa aking kotse nang mapansin ko na may nakabaong pako sa isa sa mga gulong nito. Inakala kong sasabog na ito. Laking pasalamat ko na may pansamantalang nakatakip sa butas na iyon.
Habang papunta ako sa bilihan ng gulong, napaisip ako, “Ilang araw o ilang linggo na kayang nakabaon ang pakong iyon? Gaano katagal na kaya akong nailalayo…
Mahalaga Ka
Inilarawan ni Caitlin ang matinding kalungkutang dinanas niya matapos siyang pagsamantalahan. Mas matindi ang pinagdaanan ng kalooban niya kumpara sa pisikal na sugat na iniwan ng pangyayaring iyon. Dahil sa naranasan, bumaba ang tingin niya sa kanyang sarili. Ayon kay Caitlin, hindi siya ang taong nais mong makilala at maging kaibigan. Para sa kanya, hindi siya dapat mahalin at bigyang halaga.…
Pag-asa
Maganda ang ginagawang paglilingkod nina Tom at Mark. Nagbahagi sila ng video kung saan sa unang pagkakataon ay nakapaglaro ang mga bata sa Haiti sa malinis na tubig. Sina Tom at Mark, kasama ang mga simbahan doon sa Haiti ay nagtulong-tulong para magtayo ng mapagkukunan ng malinis na tubig. Nagbibigay ng pag-asa para sa mga tagaroon ang pagkakaroon ng mapagkukunan ng…
Magandang Plano ng Dios
Isang kaibigan namin ang nagprisinta para mag-alaga ng mga anak namin para makapagdate kaming mag-asawa. “Pumunta kayo sa isang espesyal na lugar!” Iyan ang sinabi ng kaibigan namin. Pero dahil praktikal kaming mag-asawa, pumunta na lang kami sa pamilihan at namili ng mga kailangan namin. Nagulat ang kaibigan namin nang umuwi kaming may bitbit na mga grocery. Nagtataka siya kung bakit…
Manalangin sa Dios
Hindi ko maisip kung paano ang “tamang” paraan ng pananalangin sa Dios nang magkasakit na kanser ang asawa kong si Dan. Hanggang isang umagang nananalangin kami, nadinig ko si Dan na buongpusong dumulog sa Dios, “Panginoon, pagalingin Mo po ako sa sakit ko.”
Simple pero taos sa puso ang panalangin niya. Nagpaalala ito sa akin na maari tayong manalangin sa Dios…