Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Parada ng Tagumpay

Nanalo sa unang pagkakataon ang Chicago Cubs sa World Series noong 2016 matapos ang halos higit isang siglo. Tinatayang limang milyong mga tao ang nagtipon at nakiisa sa parada para ipagdiwang ang kanilang tagumpay.

Hindi na bago ang mga parada ng tagumpay. Isa sa kilalang parada ng tagumpay ay ang ginagawa ng mga Romano noon. Sa paradang iyon, naglalakad ang mga…

Maging Kontento

“My precious!” Ito ang katagang sinasabi ni Gollum mula sa pelikulang Lord of the Rings. Mayroon siyang masamang hangarin sa kapangyarihang taglay ng isang singsing. Sumikat ang kanyang karakter na sumasalamin sa pagiging sakim ng tao.

May pagkakatulad din tayo kay Gollum. Mayroon din tayong taglay na kasakiman sa ating mga puso. Hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nakukuha ang gusto…

Mga Patibong

Unang nadiskubre ang Venus flytrap sa isang lugar na hindi kalayuan sa aming tahanan sa North Carolina. Nakakamanghang panoorin ang halamang ito dahil kumakain ito ng mga insekto.

Ang mabangong halimuyak na mula sa halamang ito ay nagsisilbing patibong para maakit ang mga insekto. Kapag may insektong pumasok sa loob nito, magsasara ito at hindi na makakawala ang insekto. Maglalabas ang…

Masaksihan

Napaiyak si Xavier McCoury nang isuot niya ang salamin na bigay sa kanya ng kanyang Tiya Celena para sa kanyang ika-sampung taong kaarawan. Ipinanganak siya na hindi nakakaaninag ng kulay. Tanging kulay itim at puti lang ang kanyang nakikita. Sa unang pagkakataon ay nakita ni Xavier ang iba’t ibang kulay sa paligid dahil sa bago niyang salamin. Tila nakakita ng isang…

Maganda para sa Dios

Nang magkaroon ng nobyo si Denise, sinikap niyang magpapayat at magbihis ng magagarang damit. Naniniwala siya na mas magiging maganda siya sa paningin ng kanyang nobyo sa pamamagtitan ng mga ito. Iyon din naman ang payo na nabasa niya mula sa mga magasin. Nagulat na lang si Denise nang malaman niya ang saloobin ng kanyang nobyo: “Mas gusto kita noong…

Tumubo at Magbunga

Madaling tumubo sa halos lahat na bahagi ng mundo ang sunflower. Lumalaki ang mga ito sa tabingdaan, malapit sa palayan, sa parang, at sa mga halamanan. Pero kahit madali itong tumubo, nangangailangan ito ng matabang lupa. Ayon sa Farmer’s Almanac, kailangan ng sunflower ng mataba at masaganang lupa para magbunga ang mga ito ng maraming buto at maka-kuha mula rito ng…

Mabuting Pastol

Isang nakatutuwang kaugalian ng mga tagahanga ng football sa England ang pag-awit bago magsimula ang bawat laro. Kabilang sa mga inaawit ng mga manonood ang “Glad All Over” at “Forever Blowing Bubbles.” Ang Salmo 23 naman ang kinakanta ng mga tagahanga ng West Brom Baggies. Makikita ring nakasulat ang buong salmong ito sa harapan ng lugar kung saan nag-eensayo ang koponang…

Hindi Nakikita

Nais ni Stephen Cass, editor ng isang magasin, na madiskubre ang mga ’di nakikitang bagay na bahagi ng kanyang araw-araw na buhay. Habang naglalakad siya papasok ng kanyang opisina sa New York City ay naisip niya, “Ang ganda siguro kung makikita ko ang mga radio waves sa itaas ng Empire State Building dahil magmimistula itong mga ilaw na may iba’t ibang…

Huwag nang Tumakbo

Noong Hulyo 18, 1983, isang kapitan ng hukbong panghimpapawid mula sa Albuquerque, New Mexico ang biglang nawala. Makalipas ng tatlumpu’t limang taon, natagpuan siya ng mga awtoridad sa California. Ayon sa The New York Times, pinili ng kapitan na takbuhan na lang ang naranasan niyang labis na pagkabigo sa kanyang trabaho.

Napakatagal ng tatlumpu’t limang taon ng kanyang pagkawala. Kalahati ng…

Makapangyarihang Dios

Lumaki si Barbara sa ilalim ng pangangalaga ng pamahalaang Inglatera noong mga 1960s. Pero noong labing anim na taong gulang na si Barbara, nawalan sila ng matitirhan ng kanyang anak na sanggol na si Simon. Hindi na tungkulin ng kanilang gobyerno na alagaan siya sa ganoong edad. Sa pagkakataong iyon, sumulat si Barbara sa Reyna ng Inglatera para humingi ng tulong.…