TANGING KAILANGAN
Nagkaroon ng giyera sa Burundi at libu-libong sibilyan ang naapektuhan. Tumugon naman si Chrissie para tumulong upang magbigay pagkain sa kanila. Napansin niya ang isang lalaki sa dulo ng pila. Tila nananalangin ito. Dinalhan niya ito ng lugaw at pinakinggan ang kanyang kuwento. Walumpu’t-tatlong gulang na ang lalaki. Namatay sa giyera ang asawa niya at lahat ng pitong anak niya.…
HINDI NAKAKALIMOT ANG DIOS
Isang lalaki ang nakalimutan ang password ng kanyang device kung saan nakatago ang kanyang 400 milyong dolyar. Sampung beses lamang maaaring subukan ang password at kapag lumagpas dito ay hindi na mabubuksan ang device. Walong beses na siyang nagkamali sa password sa loob ng sampung taong pilit na pag-alala rito. Noong 2021, malungkot niyang sinabing may dalawang pagkakataon na lamang siyang natitira bago mapunta…
BINUBUO NG DIOS
Habang nasa bahay ang aming pamilya noong nagkaroon ng pandemya, naisipan naming buuin ang isang puzzle na may halos walong libong piraso. Kahit na araw-araw namin itong binubuo, pakiramdam namin ay walang nangyayari sa aming ginagawa. Makalipas ang limang buwan, nabuo rin namin sa wakas ang malaking puzzle na ito.
Minsan, pakiramdam ko ay isang malaking puzzle din ang aking buhay. Tila may…
MAY GANTIMPALA
Hindi napigil si Jimmy na pumunta sa isang bansa kahit na mapanganib at mahirap pumunta roon. Nais niya kasing bisitahin at palakasin ang loob ng mga nagtitiwala kay Jesus sa lugar na iyon. Nag-text siya sa amin tungkol sa mga paghihirap na dinanas niya. Sabi niya, “Isama ninyo kami sa inyong panalangin. Napakalayo pa ng aming pupuntahan at halos ilang beses…
WALA NANG LAMAN
Lumipat na ng tahanan ang aking mga magulang. Tinulungan namin sila ng aking mga kapatid na maghakot ng mga gamit. Nang hapon na at huling paghakot na namin ng mga gamit, kumuha kami ng larawan gamit ang aming kamera. Ito ang huling pagkakataong naroon kami sa bahay kung saan kami lumaki. Pinigilan kong maluha nang sabihin ng aking nanay na,…
MALAYA SA PAGSUNOD
Isang mahusay na dalagita ang ilang beses nang naging kampeon sa sports na figure skating. Kasali siya sa Winter Olympics at inaasahang siya ang mananalo ng gintong medalya. Pero batay sa isang pagsusuring isinagawa sa mga manlalaro, lumabas na gumagamit siya ng gamot na ipinagbabawal sa mga atletang katulad niya. Nang magsimula ang paligsahan, maraming beses siyang nahulog at hindi siya nanalo.…
HARDIN NG DIOS
Noong nakaraang tagsibol, nagtanim ang aking asawa ng halamang moonflower vines. Malalaki at puting mga bulaklak ito na katulad ng bilog na buwan. Tuwing gabi, namumulaklak ang halamang ito. Pero pagsapit ng umaga, natutuyo na ang mga bulaklak. Kaya kapag gabi, masaya naming pinagmamasdan ang mga bulaklak nito at ang gandang naidudulot nito sa paligid.
Naaalala ko sa mga bulaklak…
MALALIM NA UGAT
Namangha ako nang makakita ng banyan tree sa Florida Keys. Sa sobrang laki ng puno, halos natakpan na nito ang buong hardin. Natuklasan kong may dalawang uri pala ng ugat ang banyan tree. May tumutubo mula sa ilalim ng lupa. At mayroon ding tumutubo mula sa mga sanga, hanggang sa maging tila katawan na ng puno ang mga ugat. Dahil dito,…
LUGAR NA KANLUNGAN
Misyon ng dating gurong si Debbie Stephens Browder na hikayatin ang maraming tao na magtanim ng puno. Nakakaranas na kasi sila ng sobrang init sa bansang Amerika. Sinabi niya, “Ang lilim na naibibigay ng mga puno ay isang paraan upang protektahan ang ating mga komunidad. Hindi lamang nakakapagpaganda ng paligid ang mga puno. Nagbibigay rin ito sa atin ng buhay.”…
PINATIBAY NG MGA PAGSUBOK
Noong apat na taong gulang pa lamang ang aming anak, kinailangan naming ipasuri ang kanyang mata. Nagkaroon kasi ng problema sa isa niyang mata. Kailangan itong patakan ng gamot at operahan. Hinarap niya ang mga pagsubok na ito kasama kami na mga magulang niya. Nagtiwala rin ang aming anak na pagagalingin siya ng Dios. Naging matatag siya dahil sa mga…