Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Tanda Ng Buhay

Isang pares na alimango ang natanggap ng anak ko para alagaan. Pinuno niyang ng buhangin ang isang tangkeng gawa sa salamin para makakapaghukay at makakaakyat ang mga ito. Sagana rin sila sa tubig, protina, at mga pinagtabasang gulay. Mukang masaya naman sila pero, isang araw, bigla silang nawala. Hinanap namin sila hanggang sa naisip na baka nasa ilalim sila ng…

Sanggol Na Lalaki

"Baby Boy” ang legal na pangalan niya nang higit isang taon. Iniwan siyang nakabalot sa isang bag sa paradahan ng kotse ng hospital ilang oras pagkapanganak. Doon siya akita ng guard na narinig siyang umiiyak.

Hindi nagtagal tinawagan ng Social Services (DSWD) ang mga taong mag-aampon sa kanya kinalaunan. Grayson ang ipinangalan nila sa kanya. At ito na nga naging legal na pangalan niya matapos ang proseso…

Mamahalin Mo Pa Rin Ba Ako?

Sa wakas may umampon na sa sampung taong-gulang na si Lyn-Lyn. Pero may takot siya. Napaparusahan kasi siya noon sa bahay-ampunan kahit sa maliit na pagkakamali. Tinanong ni Lyn-Lyn ang umampon sa kanya, “Inay, mahal mo po ba ako?” “Oo,” sagot ng kaibigan ko. Ang sunod na tanong ng bata: “Kapag nagkamali po ako, mamahalin mo pa rin ba ako?…

Haba Ng Buhay Ng Tao

Noong 1990, may kinaharap na problema ang mga mananaliksik na Pranses tungkol sa impormasyong ibinibigay ng kompyuter. Mali ang bilang ng kompyuter sa edad ni Jeanne Calment. 115 taong-gulang na siya at lampas ito sa patnubay ng mga gumawa ng software program ng kompyuter. Hindi nila inisip na may mabubuhay nang ganoon katagal. Nabuhay si Jeanne hanggang 122.

Sabi sa Mga…

Tungkulin – Sa Akin at Sa Dios

Naatasan ang kaibigan kong si Janice na maging manager ng departamento nila. Nalula siya sa responsibilidad dahil ilang taon pa lang siya sa kumpanya. Nanalangin siya sa Dios at pakiwari niya, nais ng Dios na tanggapin niya ang bagong tungkulin sa kanya – pero may takot pa rin siya na baka hindi niya ito kayanin. Sabi niya sa Dios: “Paano…

Maligayang Araw Ng Pasasalamat

May isang pag-aaral ang psychologist na si Robert Emmons kung saan hiniwalay sa tatlo ang mga kalahok at pinagsulat sila ng lingguhang talaan. Sa unang grupo – limang bagay na kanilang ipinagpapasalamat. Sa ikalawang grupo – limang abala sa araw-araw. Sa huling grupo – limang pangyayari na nagkaroon ng epekto sa kanila sa maliit na paraan. Makikita sa resulta ng pag-aaral…

Ang Salita Ng Dios

Sumisikat na komedyante si Stephen, at isang tumalikod sa Dios. Lumaki siya sa isang Cristiyanong pamilya pero napuno siya ng pagdududa nang namatay ang tatay at dalawang kapatid niya. Naaksidente ang eroplanong sinasakyan ng mga ito. Iniwan niya ang pananampalatayang kinagisnan noong mahigit dalawampung taong gulang lang siya. Pero isang gabi sa malamig na kalye ng Chicago, may nagbigay sa…

Pagpipigil Sa Sarili

Sinimulan ang pag-aaral na tinatawag na marshmallow test noong 1972 para suriin ang kakayahan ng mga bata na ipagpaliban ang pagpapasaya sa sarili. Binibigyan ang mga bata ng isang marshmallow at sinasabihang kung hindi nila ito agad kakainin, bibigyan sila ng isa pang marshmallow pagkatapos ng sampung minuto.

Sinusuri dito kung kaya ng mga batang ipagpaliban ang pansariling kasiyahan. Isa sa tatlong bata…

Mga Ibon Sa Himpapawid

Isang araw sa tag-init, habang tumataas ang sikat ng araw, nakangiting sumenyas sa akin ang isang kapitbahay at tinuro ang wind chime sa balkonahe ng bahay nila. May isang maliit na pugad ng ibon pala doon na may dalawang maliliit na ibon.

“Hinihintay nila ang nanay nila,” sabi ng kapitbahay. Pinagmasdan namin sila at itinaas ko ang aking cellphone para kumuha ng…

Para Sa Magandang Bukas

Halos tatlongdaang Grade 7-12 ng maliit na bayan ng Neodesha, Kansas ang dumalo sa biglaang pagtitipon sa paaralan. Naghalo ang gulat at galak nila sa narinig: may isang mag-asawa na may koneksyon sa Neodesha ang magbabayad ng matrikula sa kolehiyo ng bawat mag-aaaral ng Neodesha sa loob ng dalawampu’t-limang taon.

Maraming pamilya sa Neodesha ang naghihirap at hindi alam paano tutustusan…