Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

Ang Dakilang Likha ng Dios

Nang minsang magbakasyon kami ng mga apo ko ay naaliw kaming panoorin ang isang pamilya ng mga agila mula sa isang web cam. Araw-araw ay sinusubaybayan namin ang mga gawain ng bawat miyembro ng kanilang pamilya. Sinisigurado ng mag-asawang agila na maaalagaan at mababantayan nilang mabuti ang kanilang maliit na anak.

Ang pamilyang agilang ito ay sumasalamin sa napakaganda at napakadakilang…

Perpektong Mundo

Binigyan si Katie ng gawaing-bahay ng kanyang guro. Inatasan siyang magsulat ng isang talatang pinamagatang “Ang Aking Perpektong Mundo.” Sinulat ni Katie, “Sa perpekto kong mundo…Ay libre ang sorbetes at maraming kendi sa paligid, bughaw palagi ang kulay ng langit, at may iba’t ibang hugis ang mga ulap.” Biglang naging seryoso ang tono ng kanyang sulatin. “Sa perpekto kong mundo ay…

Nakikita Niya Tayo

Naglalakad at nagtatago sa pagitan ng estante ng mga sapatos ang dalawang taong gulang naming anak na si Xavier. “Nakikita kita.” Iyon ang sabi ng asawa ko habang napansin niya itong nakatago at tumatawa habang nasa likod ng mga sapatos.

Makalipas ang ilang sandali ay tumatakbo sa bawat estante ang asawa kong si Alan. Hinahanap niya si Xavier. Nagpunta kami sa…

Ipamuhay ang Pananampalatya

Habang namamalagi sa isang bahay-tuluyan ay napansin ko ang isang kard sa mesa ng aking kwarto. Nakasulat dito ang:

Maligayang pagdating Ang panalangin namin ay makapagpahinga kayo ng mabuti At maging mabunga ang inyong mga paglalakbay Ang Dios ang magpapala at mag-iingat sa inyo Ipakita nawa Niya ang Kanyang kabutihan at awa sa inyo.

Mula nang mabasa ko ang pagbating iyon mula…

Katangian ng Dios

Dinala ako ng asawa ko sa isang art gallery para ipagdiwang ang isang mahalagang okasyon. Sinabi niya na maaari akong pumili ng kahit anong nais ko bilang regalo niya. Pinili ko ang larawan ng isang sapa sa gitna ng kagubatan. Sakop ng sapa ang buong larawan at hindi nakikita ang langit dito. Pero naaaninag mula sa sapa ang araw, mga puno,…

Ilaw ng Sanlibutan

Matatagpuan sa kapilya sa Inglatera ang isa sa paborito kong larawan. Iginuhit ito ng pintor na si William Holman Hunt at may pamagat na, The Light of the World. Makikita sa larawan si Jesus na may lamparang hawak at kumakatok sa pinto ng isang bahay.

Nakakatawag pansin na ang pinto sa larawang iyon ay walang hawakan. Tinanong ang pintor na si Hunt…

Pagpapakita ng Pag-ibig

Bago kami matulog sa gabi ng aking mga anak, kumukuha kami ng mga krayola at saka nagsisindi ng kandila. Humihingi kami ng gabay sa Dios at isinusulat o iginuguhit namin sa aming talaarawan ang mga sagot namin sa mga tanong na ito: Paano ko naipakita ang aking pag-ibig ngayong araw? At paano ko naman ito hindi naipakita?

Ang pagmamahal sa kapwa…