Sino si Jesus?
Isipin mo ang isang daanang punong-puno ng mga tao. Ang babae sa likod mo ay nakatingkayad habang tinitingnan kung sino ang paparating. Makikita sa daan na paparating ang isang lalaking sakay ng asno. Habang papalapit ang lalaki ay inilalatag ng mga tao ang kanilang mga balabal sa daan. Bigla mo namang narinig sa likuran mo na may pumuputol ng sanga ng…

Abot-kamay na Pagtulong
Ninais ng 8 taong gulang na si Carmine McDaniel na masigurong masigla at malakas ang mga karterong nagdadala ng sulat sa kanila. Kaya, naglagay siya ng maiinom sa harap ng kanilang bahay. Nakunan naman ng CCTV ang reaksyon ng kartero. Sabi ng kartero, “Salamat may tubig at Gatorade. Salamat sa Dios, salamat po!”
Sinabi ng ina ni Carmine, “Iniisip ni Carmine…

Matamis at Mapait
May mga tao na gusto ang mapait na tsokolate at ang iba nama’y matamis. Hinahaluan ng sili noon ng mga katutubo sa Amerika ang tsokolate na kanilang iniinom. Tinawag nilang mapait na tubig ang tsokolate. Pero iba naman ang ginawa ng mga Espanyol, hinaluan nila ng asukal at pulot ang tsokolate. Sa gayon, tumamis ito at hindi na masyadong mapait.
Tulad…

Kakaibang Kabaitan
Nang katatapos ko pa lamang ng kolehiyo, nagpasya akong magtipid. Ipinagkakasya ko ang aking pera na nakalaan para sa buong linggo. Minsan, namili ako. Nagkulang ang pera ko sa mga kinuha kong dapat bilhin. Kaya naman, sinabi ko sa kahera na iiwan na lang ang iba kapag hindi na sakto sa pera ko. Nabili ko naman ang lahat, maliban sa isang…

Pagtitiwala, Pag-ibig at Pag-asa
Sa loob ng sampung taon, inalagaan ni Tita Kathy ang aking lolo. Si Tita Kathy ang nagluluto, naglilinis ng bahay at tumatayong nars para kay lolo.
Ang ginawang paglilingkod ni Tita Kathy kay lolo ay isang magandang halimbawa para sa sinabi ni Apostol Pablo sa mga taga Tesalonica. Sinabi ni Pablo na siya ay nagpapasalamat sa Dios dahil sa “mabubuti ninyong…
Hanggang Kailan?
Sa isinulat na aklat ni Lewis Caroll na Alice in Wonderland, sinabi ni Alice, “Hanggang kailan tatagal ang walang hanggan? Sabi naman ni White Rabbit, Minsan, isang segundo lang.”
Ganoon ang aming naramdaman noong namatay ang kapatid kong si David. Nang ililibing na siya, mas tumindi pa ang aming pagdadalamhati at pangungulila. Parang tatagal ng magpakailanman ang bawat segundo.
May inawit…