Laging Magpasalamat
Noong ikinasal kami ng asawa ko ay nangako kami na magiging tapat sa isa’t isa “sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at sa kasaganaan man o kahirapan.” Naisip ko na parang kakaiba na isama sa pangangako ang hindi magagandang bagay tulad ng kahirapan at karamdaman sa isang masayang okasyon tulad ng kasal. Pero isang katotohanan naman na kasama…
Takdang Panahon
Ngayon ang unang araw ng tagsibol sa hilagang bahagi ng mundo. Kasabay nito ay nagsisimula naman ang panahon ng taglagas sa bansang Australia. Kasalukuyang umaga ang oras sa mga bansang malapit sa ekwador. Samantalang gabi naman sa ibang bahagi ng mundo.
Ang pagbabago ng panahon ay mahalaga sa maraming tao. Marami ang nag-aabang sa pagpapalit ng panahon. Inaasam nila na may…
Ang Salita ng Dios
Natutuwa ang mga nagsasanay sa pagkasundalo noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig sa tuwing makakatanggap sila ng mga liham mula sa kanilang pamilya. Ikinukuwento nila sa kanilang mga sulat ang iba’t iba nilang mga nakakatuwa at malulungkot na mga karanasan.
May isang sundalo naman ang nagsabi na hindi lamang puro nakakatawang pangyayari ang dapat ikuwento sa kanilang pamilya. Sumulat siya sa…
Magpakita ng kabutihan
Hindi mapakali ang isang binata sa kinauupuan niya. Palipat-lipat ang kanyang tingin sa mga bintana ng eroplano. Pumikit siya at huminga nang malalim para kalmahin ang sarili niya pero hindi nawala ang kanyang kaba. Nang lumipad na ang eroplano ay galaw siya nang galaw sa upuan niya. Isang matandang babaeng kalapit niya ang kumausap sa kanya para mapawi ang kanyang takot…
Dakilang Likha ng Dios
Nakasanayan na natin ang magbigay ng puna sa ating paligid. Si DeWitt Jones ay isang photographer ng National Geographic. Ginagamit niya ang propesyon niya para ipakita ang kagandahan ng mundo. Sa pamamagitan ng kamera niya ay kumukuha siya ng larawan ng mga magagandang bagay sa paligid niya.
Kung meron mang tao sa mundo na nararapat magalit sa nangyayari sa kanyang paligid…
Pagpapatawad ng Dios
Nung bata pa ako ay pinapanood ko ang tatay ko habang nagsasaka siya sa bukid. Una niyang binubungkal ang malalaking bato. Unti-unting nababasag ang mga ito para maging malambot na lupa. Kinakailangan ng tatay ko na ilang ulit magpabalik-balik sa pag-aararo para makakuha ng malambot na lupang pagtataniman.
Ang paglago naman sa buhay espirituwal ay katulad din ng pagtatanim at pag-aararo.…
Pananalangin para sa iba
“Nalaman ko kung ano ang dakilang magagawa ng panalangin nang magkaroon ng sakit ang kapatid ko at nagdasal kayong lahat para sa kanya. Isang malaking kaaliwan ang inyong mga panalangin!” Naluluha si Laura habang nagpapasalamat dahil ipinanalangin namin ang kapatid niyang may kanser. Sinabi pa ni Laura, “Ang mga panalangin ninyo ang nagbigay kalakasan sa kapatid ko at sa aming pamilya…
Magtulungan Tayo
Bakit kaya may limang milyong tao bawat taon ang gumagastos para sumali sa takbuhan? Sa paligsahang ito, umaakyat sila ng matataas na pader, gumagapang sa putik, at umaakyat sa mga poste. Sa tingin ng iba ang pagsali nila rito ay isang uri ng hamon para subukan ang kanilang lakas at labanan ang kanilang mga takot. Ang dahilan naman ng iba sa…
Patuloy na Magpuri
Madalas akong mag-alala at mag-isip ng mga hindi magagandang bagay na maaaring mangyari sa buhay ko. Iniisip ko agad na hindi ko magagwa o hindi magiging maganda ang kalalabasan ng mga bagay na ginagawa ko. Hindi rin ako isang perpektong nanay na nagagawa nang maayos ang lahat ng bagay. Dahil sa ugali kong ito ay madalas akong malumbay at malungkot.
Naihalintulad…
Tunay na Katapatan
Iba’t ibang paraan ang ipinapakita ng mga tagahanga para suportahan ang kanilang paboritong koponan. Ipinapakita nila ang kanilang katapatan at paghanga sa pamamgitan ng pagsusuot ng mga damit ng kanilang paboritong koponan, pagsuporta sa social media at palaging pag-uusap ng tungkol sa kanilang koponan. Ganito rin ang ginagawa kong pagsuporta.
Ang pagsuporta natin sa mga paborito nating koponan sa larangan ng…