Kategorya  |  Pagkaing Espirituwal

BINAGO NG DIOS

Nagkaroon ng isang hindi malilimutang karanasan ang manunulat na si Scot McKnight. Ibinahagi niya ang karanasan niya. “Binigyan kami ng tagapagsalita ng isang hamon habang nasa isang pagtitipon kami. Sabi niya, nararapat na ilagak namin ang mga buhay namin sa Dios at babaguhin Niya kami. Noong araw na iyon, nanalangin ako sa Dios. ‘Amang Dios, patawarin Mo po ako sa…

KATAHIMIKAN

May isang kwarto sa Minneapolis, Minnesota na nanaisin mong puntahan dahil napakatahimik dito. Tinaguriang pinakatahimik na lugar sa buong mundo ang kwartong ito dahil kaya nitong alisin ang lahat ng ingay sa paligid. Pinupuntahan ito ng mga tao. Pero nakakatagal lang ng halos apatnapu’t limang minuto ang isang tao sa loob ng silid dahil sa matinding katahimikan.

Ninanais din naman…

MAGPAKUMBABA

Nagpanggap bilang isang empleyado ng sarili niyang kompanya ang isang babae. Nagsuot siya ng uniporme at iniba ang kanyang itsura para magmukhang bagong empleyado sa tindahan. Layunin niyang malaman kung ano ang mga tunay na nangyayari sa loob. Dahil dito, nalaman niya ang mga suliranin ng kanilang kompanya. Nabigyang lutas ang mga ito dahil sa ginawa niya.

Tulad ng may-ari…

HABAAN ANG PASENSYA

Nag-aayos kami para sa isang pagtitipon sa aming simbahan. Nagtutulungan kaming lahat para magkabit ng mga dekorasyon. Sinita ako ng namumuno dahil mali ang nagawa ko. Agad akong nilapitan ng kasamahan ko. “Huwag mo siyang pansinin. Habaan mo lang ang pasensya mo sa kanya.”

Naisip kong maraming tao ang dapat kong paglaanan ng mahabang pasensya. Makalipas ang ilang taon, pumanaw…

GUMAWA NANG TAMA

Nag-aalaga kami ng asawa ko ng mga asong magsisilbing katulong ng mga taong may kapansanan. Bahagi ng pagsasanay ng mga aso ang pag-aalaga sa kanila ng mga bilanggo. Si Jason ay isang bilanggong tumutulong sa pag-aalaga ng mga aso. Nagulat ang asawa ko nang makatanggap ng sulat mula rito. Ibinahagi ni Jason ang malungkot niyang nakaraan. Pero sinabi niya, “Si…

ANONG LAYUNIN KO?

“Ito ang mga sinabi ni Harold. Palagi niyang sinasabi sa anak niya na matanda na siya at wala nang layunin at kabuluhan ang buhay niya. “Maaari na akong kunin ng Dios kahit anong oras.”

Pero nagbago ang pananaw ni Harold. Isang hapon, nakausap niya ang kapitbahay niya. Maraming problema ang kapitbahay niya kaya ipinanalangin niya ito. Binahagi rin ni Harold…

TAIMTIM NA DALANGIN

Pinangunahan ng pastor na si Christian Führer ang isang pagtitipon para sa pananalangin sa St. Nicholas Church. Sa loob ng ilang taon, kakaunti lamang ang dumadalo para ipanalangin ang pagwawakas ng kalupitan sa bansang Germany. Lumipas ang maraming taon, napakarami nang mga tao ang dumadalo para manalangin. Noong Oktubre 9, 1989, pitumpong libong mga tao ang nagsama-sama para tahimik na…

GAWIN LAHAT PARA SA DIOS

Naglalaman ng iba’t ibang magagandang panalangin para sa mga gawain sa araw-araw ang aklat na Every Moment Holy. May mga dalangin para sa pagluluto, paglalaba, at iba pang maituturing na mga ordinaryong gawain. Pinaaalala ng aklat na ito ang sinabi ng manunulat na si G. K. Chesterton: “Mabuti ang manalangin bago kumain. Pero nananalangin din ako bago ako gumuhit, lumangoy,…

MAGING MASIKAP

May malalim na layunin si William Pinkney nang maglayag siya para lakbayin ang buong mundo noong 1992. Nais niyang turuan at bigyang halimbawa ang mga bata upang maging masikap at matatag. Nais ni Pinkney na mamulat ang mga bata na may mabuting bunga ang pagsisikap at pag-aaral nang mabuti. Pinangalanan niya ang bangka niya ng Commitment. Layunin niyang matutunan ng…

MAY PAGKAKASALA

May nagawa kaming kasalanan ng kaibigan ko. Natuklasan ito ng aming prinsipal. Kilala ng prinsipal ang mga tatay namin. Sinabi niyang lubos na malulungkot ang mga tatay namin sa aming pagkakasala. Hiyang-hiya kami sa aming maling nagawa.

Sa pamamagitan ni Propeta Zefanias, pinaalala rin naman ng Dios sa mga taga-Juda na umamin at humingi sila ng tawad sa mga pagkakasala…